"DITO ka lang. Mauna akong bababa at papasok sa loob," wika ni Amarah kay Daxton nang ihinto ni Kuya Chito ang minamaneho nitong kotse kung saan sila nakakasakay na dalawa nang makaring sila sa RJ Corporation. At dahil nakatingin siya dito ay napansin niya ang pagsasalulong ng mga kilay nito. "Ayaw mong sabay tayong bumaba? At sabay na pumasok?" tanong nito sa kanya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha. "Pagti-tsismisan nila tayo," sagot naman niya kung bakit gusto niyang mauna na bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng building. Mas lalong nagsalubong lang ang mga kilay ni Daxton sa naging sagot niya. "Do you want to keep our relationship a secret?" tanong ni Daxton sa kanya, may nabakasan nga din siyang sakit sa ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. Namilog naman

