DIANE POV Nang makapasok kami sa loob ng resto bar, medyo dumistansya ako kay Denver pero siya naman itong dikit ng dikit sa akin. "Ano ba? Bakit ka ba lumalayo sa akin?" tanong niya pa. "Lumapit ka lang, nakakahiya ka, ilugar mo naman ang pag uugali mong iyan." Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Sus? Sayo pa talaga nanggaling yan ha? Wala ka namang pinipiling lugar pagdating sa ganyang bagay eh. Ano ha?" Sa kalagitnaan ng pag aaway naming dalawa, bigla namang dumating si Coby at mayroon itong dalawang kasamang waiters. Nilapag nila yung mga seafoods sa harapan namin. May crab, tempura, tapos iba't ibang uri pa ng mga pagkaing isda. Lalo na yung bangus na may sarsang bawang, tomato, at sili sa loob. Na miss ko tuloy ang buhay ko noon na puro ganito ang kinakain kasi malapit ako sa il

