DIANE POV Naalimpungatan naman akong bigla at nagulat na lamang ako ng hawak hawak ni Denver ang cellphone ko. Tumayo ako kaagad at inagaw ko ang cellphone ko sa kanya. Pinatay ko ang tawag ni Coby and I hide my phone in my back. "What the f**k is wrong with you ha? Bakit ka nangingialam ng gamit ng iba?" galit kong saad. Pero ang totoo, natatakot din ako kasi nabuking niya na ka text ko si Coby kahit na ngayon lang kami nagka kilalang dalawa. "Ah talaga ba ha? Mukhang close na close lang kayong dalawa ng gagong lalaki na yan eh. Sabihin mo nga sa akin, siguro naglampungan kayong dalawa rito kanina habang wala ako no?" "Nag usap lang kaming dalawa and then hiningi ko ang number niya!" "Eh di malandi ka nga!" Sa galit ko ay binara ko na lamang siya, "Eh bakit malandi kaagad ang tawa

