YOHAN’s POV
Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Martin, mag-aalas kwatro (4) na ng hapon pero hindi pa rin sya bumabalik, kanina ko pa sya hinahanap dito sa barangay namin kasi ni anino nya hindi ko talaga mahagilap, san kaya nagsusuot yung damoho na yun, ni hindi na nga ako naka pasok sa school dahil sa hinahanap ko sya, naku andami ko ng absent dahil sa bagong ganap sa buhay ko, for sure wala na ako sa dean's lister o di kaya kasali pa rin ako kaso salin pusa na lang. Ilang minuto kasi simula nung muling umalis si Martin sa bahay ay umuwi na rin si Cedrick, sinabi ko lang sa kanya na kailangan nyang bayaran yung nabasag nyang flower vase, tumawa lang ang mokong aba! Hindi basta-basta yung vase na yun noh kay mommy kaya yun. Yun lang naiwan nyang ala-ala sa akin eh.
Kumakalam na yung sikmura ko hindi pa naman ako nananghalian, hindi ko kasi kayang kumain ng ibang ulam ngayon kundi yung luto lang talaga nya sarap kasi. Gusto nyo malaman kung ano?
Adobong Kangkong.
Dahil sa napapagod na rin ako sa pagrampa dito kaya minabuti ko na lang na umuwi ng bahay, inaasahan kong nandun na sya pero pagdating ko wala pa rin sya, wala na naman akong hapunan nito pagtitiisan ko na lang muna yung instant noodles, ayaw ko talaga ng ibang ulam ngayon eh gusto ko talaga yung kanya parang may nilagay syang sangkap na lalong nagpapasarap dito, baka love? Chos.
Niluto ko na yung expire na instant noodles sa cabinet saka kinain, tapos hugas ng plato, toothbrush saka pumasok sa loob ng kwarto para matulog, sigurado mahaba-habang pagpapaliwanag na naman ang ganap sa pagitan namin ni Kenny, sama nyo na rin si Centhia. Isa pa kailangan kong matulog ng maaga ngayon para madami akong lakas bukas para sa gagawin kong pag-e.especial quiz sa lahat ng hindi ko naatendang quizzes pati na rin trabaho sa SSG office meron pa palang isa may mahalaga pala akong sasabihin sa mga kaklase ko bukas.
***
Pagkagising ko sa umaga hindi ko pa rin nakita si Martin sa kama nya kaya en-assume ko na hindi pa rin sya umuwi mula kagabi, pero pagpasok ko ng kusina may nakahanda doong pagkain na adobong kangkong, kaya para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, nagbunyi yung mga anak kong bulate sa tyan dahil hindi na sila kailangang magtiis sa expire na instant noodles dahil bumalik na ang daddy nila, chos!
Pero hindi ko pa rin sya na-abutan.
Pagkarating ko sa school ay agad akong binati ng mga schoolmates ko na nakakasabay ko sa daan, medyo sanay naman din ako sa mga ganitong pangyayari kasi kung isa kang SSG President ng school makikilala ka talaga ng lahat ng estudyante magiging fame ka in an instant, at hindi talaga ako nagkamali ng hula kahapon, dahil ito nakasalubong ko si Kenny kasama nya si Centhia ngayon, himala yata dahil hindi na sila parang aso't pusa ngayon.
At ito na nga't tinadtad na naman ako ng mga sermon ng parang armalight na bunganga ng besfriend ko, bakit daw hindi na naman ako pumasok kahapon? Syempre dahil honest ako kaya kwenento ko sa kanila ang lahat, binatukan pa nga ako ni Kenny sa gitna talaga ng flagpole area kaya talagang marami ang nakakita, pinandilatan lang naman nya ng mata ang mga ito. Hindi ko daw dapat pinatawad at tinulungan ng ganon-ganon lang si Cedrick dapat daw tinuluyan ko na lang o kaya nilagay sa gitna ng kalsada. Ang sama talaga nito, si Centhia naman tango lang ng tango sa mga sinasabi ni Kenny, anyare ba sa kanya pinalaklak ba ni Kenny ang ihi nya dito para umamo sa kanya, kawawa sya ang panghi pa naman ng ihi ni Kenny, pangmatanda.
Pagpasok ko sa loob ng classroom namin ay agad kong hinanap si Martin agad ko naman syang nakita sa likod habang kausap yung isang kaklase ko na babae panay pa ang tawa nya na parang enjoy na enjoy siya sa pinagsasabi ng babae, may naramdaman akong tumutusok na matutulis na bagay sa bandang dibdib ko. Bakit ganon, bakit nasasaktan ako sa nakikita kung reaksyon ni Martin ngayon?
Kapag kami naman ang magkausap palagi naman syang seryoso tapos kapag ngumiti sya saglit lang din pero bakit iba ngayon, isinawalang bahala ko na lang ito dahil baka yung nararamdaman kong tumutusok sa dibdib ko ay heartburn lang pala, di pa naman ako nakainom ng tubig kanina.
Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay tumingin din sya sa gawi ko pero agad ko namang binawi ang tingin ko saka tumuloy sa pag-upo sa selya ko.
Lumipas ang ilang sandali ay nandito na ang lahat ng kaklase ko sa loob ng classroom namin tapos wala ding pumasok na Prof. kaya kinuha ko na ang pagkakataon para pumunta sa harap ng klase at sabihin ang gusto kong gawin namin ngayong darating naming Christmas Party.
Naglakad ako sa harap ng lahat saka hindi na muna nagsalita, hinintay ko silang mapansin ang presensya ko na nasa harapan nila, may iba naman nakapansin kaya kinalabit nila yung mga malalapit sa kanila.
Ganyan talaga ako eh, masyadong mature kung maging presedente nila, kapag nasa harapan na nila ako at napansin nilang seryoso ang mukha ko hindi ko na kailangan pang magtawag ng pansin para tumingin sila sa akin sila naman ang pumili at nagnominate sa akin bilang president nila, kaya wala silang magagawa ito talaga ang paraan ng pagdidiseplena ko matatanda na kaya sila kaya alam na nilang kumilos ng naaayon sa edad nila, saka sinabi ko na rin sa kanila ang paraan ko sa simula pa lang wala naman silang naging violent reaction, kaya go lang din ako. Nang mapansin kong nasa akin na ang lahat ng atensyon ay nagsimula na akong magsalita:
"Everybody! Please lend me your ears and your presence. I have something to announce about our upcoming Christmas party. You're free to share your thoughts and opinions."
"Pres. Yoh, can I share my idea?" suhestiyon ni Ms. Cramwell na isa kong kaklase sya yung auditor ng klase.
"Yes you can, go ahead, " pagbibigay ko sa kanya ng pahintulot
"I think it should be better that our motif must be magical or a unique one"
'not bad, nice idea,' sa isip ko.
"Mr. Pres.," —bwesit na Mr. yan—"May suhestiyon din po ako, hindi ba masyadong matalinghaga kung magical ang maging motif natin? Pwede naman kung Christmas motif. nalang kase nga Christmas party, hindi po ba?" pagpoprotesta naman nung isa ko pang kaklase.
"No, I'm not saying that we will not apply Christmas decoration kasi mawawala ang essence ng Christmas. My point here is we can be unique unlike those traditional Christmas Party, " pagtatanggol ni Ms. Camwell sa kanyang suhestyon.
Tumango-tango naman ako.
"Okay as what, Ms. Cramwell said a while ago, gagawin nating magical-themed ang ating Christmas Party for the reason that I want to make our party unique and interesting. Any objection?" sabi ko sa kanilang lahat.
"None, Mr. President." They said in unison.
"Okay now let's proceed. Saan natin gaganapin ang ating Christmas party, " tanong ko sa kanilang lahat.
"What if our class would go somewhere? Sa lugar na appropriate sa ating magical-themed Christmas Party?" suhestiyon ni Ms. Fonteberde, ang treasurer ng klase.
"A place where magical things will happen." Dagdag naman ni Ms. Saldevia, the Sexytary.
Napatahimik ako. Tama sila. A place where magical things happen. At saan kami makakakita ng magical na lugar?
"Do anyone of you know where we can find a place that is magical?" tanong ko sa kanilang lahat.
"What if sa private island ng family ko? We can do anything we want doon. And tama rin sa magical-themed Christmas Party natin." Suhestiyon ni Centhia mayaman kasi tong babaeng to galing sa marangyang pamilya na mahilig sa Resort Business.
"Sounds good. Para maiba naman. But before that, we must pass some papers for our school to allow us all to go there. Hindi tayo pwede magpadalos-dalos , as your classroom President kargo ko kayong lahat if anything bad will happen during that day, " sabi ko naman sa kanila, tila hindi yata sila nasiyahan sa'king sinabi dahil lumugmok ang mga mukha nila.
"But don't cha worry, I will do all my best just to convince them na payagan tayo, para san pa't naging SSG Pres. ako diba, " pagchecheer-up ko sa kanila, lumiwanag ulit yung mga noo nila dahil sa sinag ng araw este yung ekpresyon pala.
Kanina ko pa napapansin habang nagpaplano ang klase hindi sumasali si Martin ano kaya problema nito.
"Mr. Argelo, " —pagtawag ko ng pansin sa kanya— " may suhestyon ka ba sa Party natin? Mga dapat at hindi dapat dalhin, mga ganon, " tiningnan lang nya ako saglit saka ibinaling sa iba ang paningin.
Pinabayaan ko na lang sya baka masakit lang ang ngipin.
Pagkatapos ko sa classroom agad akong pumunta sa faculty para puntahan yung mga Prof. ko para sana manghingi ng special assignment o kung ano man para sa mga hindi ko nasalihan na mga activities and quizzes. Wala naman akong naging problema sa kanila, sinabi ko din ang dahilan kung bakit wala ako last two weeks, syempre di ko sinabi ang totoo baka hindi pa ako paniwalaan at sabihan pa akong nasisiraan na dahil sa sobrang katalinuhan. Chaks.
Next kong pinuntahan is yung mga paper works ko sa SSG office, napa-sandal na lamang ako sa dingding at nagwalling dahil sa tambak na papel sa lamesa. Grabe dalawang linggo lang akong wala ganto na agad maaabutan ko. I crii. Agad na akong umupo sa isang upuan na nandun saka sinimulang basahin yung mga papeles.
Kadalasan sa mga nandoon ay mga certificate ng mga studyante na sumali nung ginawang seminar last week, yung seminar na yun is dito lang heneld para daw iwas disgrasya sa mga studyante, tungkol yun sa pag-aalaga ng maayos sa kalikasan.
Mga certificate of participation lang naman ito kaso nakakapagod pa din sa dami ba naman ng pepermahan mong certificate hindi din kasi to pwedeng e.photocopy kasi may logo at kailangan colored para naman masiyahan sila at masatisfied sa kanilang ginawa kahit papano.
Busy ako sa pagchecheck at pagpeperma ng mga papeles nang biglang may bumalibag ng bukas sa pinto.
"Bakit ba—" hindi ko na tuloy dahil sa nakita kung emosyon sa mukha ng taong pumasok, kitang kita dito ang pag-aalala.
"Oh ikaw pala Martin. Anong ginagawa mo dito diba classhours pa naman, wag ka mag-alala sa akin nagpaalam na ako sa mga Prof. natin dahil kailangan ko pang tapusin yung mga naiwan kong trabaho dito sa office gawa nung dalawang linggong hindi ko pagpasok" sabi ko sa kanya.
Naglakad naman sya palapit sa akin habang hindi pa rin pinuputol ang pagtitig sa mukha ko kaya nakaramdam ako ng kaba, nakakaintimedate ang mga tingin na pinupukol nya sa akin kaya napapaatras naman ako, naramdaman ko na lang na nakasandal na pala ako sa ding-ding kaya napapikit na lamang ako ng pa-impit habang hinihintay ang kanyang gagawin, akala ko hahalikan nya ako, ganito rin kasi yung mga nakikita kong eksena sa TV pero hinila nya ako palapit sa kanya saka yinakap ng mahigpit, dahil sa gulat na-imulat ko ang mga mata kong nakapikit lang kanina. Ano bang nangyayari sa lalaking ito ang weird nya lately? Hindi ako naka galaw dahil hanggang ngayon shock pa rin ako dahil sa kinikilos nya.
"I-I'm sorry, " sabi niya
"Huh?! Bakit ka naman nagsosorry wala ka namang kasalanan?" Sagot ko sa kanya na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin dahil sa mga ikinikilos nya.
Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin pero hindi nya pa rin pinuputol ang pagtitig nya sa akin kaya ako na lang ang umiwas.
"I'm sorry, dahil hindi kita pinapansin at inaasikaso, hindi din kita nabantayan ng maayos kaya sorry talaga. Ang trabaho ko dito ay bantayan at alagaan ka ngunit hindi ko ginagawa ng tama, kapag may nangyaring masama sa'yo hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sorry din sa biglang pagyakap ko sa iyo kanina nag-alala lang talaga ako dahil hindi na kita nakita simula ng umalis ka pagkatapos nating magmeeting sa classroom." Mahabang dada nya, natouch naman ako sa mga sinasabi nya at the same time kinilig din. Tiningnan ko sya saka nginitian.
"Ano ka ba ok lang yun, kung yun ang nakikita mo na may atraso ka sa akin, okay pinapatawad na kita."— I paused— "anu ba kasing nangyari sa'yo kahapon at bigla ka na lang nag-walkout tapos hindi ka na nagpakita ni pumasin?" pangmamatol ko sa kanya, na parang nagtatampo.
"Kalimutan mo na lang yun, promise ko sa'yo hinding-hindi ko na ulit yun uulitin mas babantayan na kita simula ngayon," sabi nya na parang nahihiya, bakit?.
"Okay sabi mo eh, basta ba lutuan mo ko mamaya ng adobong kangkong." Bigla naman syang natawa dahil sa sinabi ko.
Pagkatapos ng drama session na yun ay hindi na talaga sya umalis sa tabi ko, habang nag checheck ako ng mga papel ay nakikita ko sa peripheral vision ko na titig na titig lang sya sa akin kaya para mawala ang awkward moment, inalok ko na lang sya na tulungan akong magcheck ng mga papel na agad nya namang tinanggap.
Natapos kami na medyo malapit ng gumabi siguro mga alas singko na ngayon.
"Tulungan na kita magdala sa mga gamit mo, baka mabigatan ka eh, " napaka gentleman na nya ngayon ah, I like this side of him.
"Sus, oa mo hindi naman ako babae no para mabigatan kaagad kahit mga school equipment lang, kaya ko na to." Sabi ko sabay dampot ng mga gamit ko para buhatin na pero nagpupumilit talaga sya.
"Ako na, kahit hindi ka babae ikaw pa rin ang ilinahad kaya dapat pa rin kitang pagsilbihan, " mapilit sya kaya ibinigay ko na lang para makauwi na ako, sakit na ng likod ko.
"Masakit ba likod mo? Gusto mo umangkas ka na lang sa akin para mabilis tayong maka-uwi. " Parang nabasa nya yung nasa isip ko ah, mind reader din ba to? Pero sabi nya hindi daw, baka manghuhula lang.
"Hindi na, masyado ka namang gentleman kung bubuhatin mo pa ako baka makita ka pa ng mga tao isipin pa nila na tikbalang ka dahil sa bilis mong tumakbo, " pagtatanggi ko tumawa lang sya.
"Hindi yan, madilim na naman eh kaya hindi na tayo makikita, kaya sige na umangkas ka na," sabi nya. Lumuhod pa sya patalikod sa harapan ko na para bang nag-eembeta na sumakay ako sa likod nya, tinulak ko naman sya ng marahan.
"Hayst, ang kulit mo talaga kaya ko naman maglakad , masakit lang naman likod ko wag kang OA." Imbyerna kong sagot sa kanya.
"Okay, kung yan ang gusto mo, " —pagsuko nya— "pero aalalayan pa rin kita sa likod. " Bwesit to hindi talaga maka intindi.
"Ano ako buntis? Manahimik ka jan!" imbyerna kong sabi sa kanya.
'Gusto mo buntisin pa kita jan eh, nang pagmamahal ko, ' bulong nya, hindi ko masyadong narinig dahil sa hina.
"May sinasabi ka?" tanong ko.
"Wala sabi ko maglakad ka na at nasa likod mo lang ako"
Hindi ko na sya tinugon at naglakad na ako palabas ng pinto, sumunod naman si Martin. Habang naglalakad wala kaming imikan nasasanay na rin akong maglakad parati para exercise na rin kahit paano.
Tanging mga yapak lang ng aming mga sapatos ang naririnig habang naglalakad makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin kami sa bahay.
Dahil sa pagod ay dumiretso na ako sa kwarto saka humiga, ilang sandali pa ay narinig kong nagbukas-sara yung pinto, alam kung pumasok si Martin sa loob ng kwarto pero nanatili pa rin akong nakapikit.
"Yohan?" hindi ako sumagot
"Yohan, tulog ka na ba? Hindi pa rin ako sumagot at nanatili lang na nakapikit.
"Ang bilis mo namang nakatulog ni hindi mo na hinintay na makapagluto ako, marahil ay napagod ka talaga kanina, " dugtong nya.
Narinig ko syang bumuntong hininga at saka nagsalita
"Sinubukan ko talagang baliwalain ang nararamdaman ko sa'yo, sa loob ng isang buong gabi nag-isip isip ako kung hahayaan ko ba o kakalimutan kaya sinubukan kong hindi ka pansinin at makihalubilo sa iba pero wala talaga silang epekto sa akin wala silang spark na nararamdaman ko sa iyo—
"Nung nakita ko kayong magkayakap ng dati mong nobyo, hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ng mga panahon na yun, bigla na lang nanikip ang dibdib ko kaya para hindi mo makita na umiyak ako ay lumabas ulit ako at hindi na bumalik, bumalik lang ako ng mga hating gabi dahil sigurado na ako na tulog ka na nun at hindi nga ako nagkakamali."—huminto sya sandali—" at yung nakita mong kulay kahel na usok sa katawan ko ay ibig sabihin nun dahil nakita mo yun ay ikaw ang—ikaw ang nakatadhana para sa akin.
"Sa una hindi ako naniwala pero dahil sa nadiskubre kong damdamin sa loob ko para sa'yo, doon ko napatunayan na totoo nga ang alamat na yun sa aming planeta." Salaysay nya bago ako hinalikan sa noo at pumunta sa kanyang kama para matulog,
Ako naman ay napamulat at hindi maka paniwala sa mga lumabas na salita sa bibig nya hindi nya sinabi ng direkta pero alam kong yun ang pinupunto nya. Pero kailangan ko pa ring kumpermahin iyon sa kanya kahit na sobrang obvious na ng sinasabi nya, dahil gaya nga ng sabi ko
'mahirap ng magtiwala sa instinct lang ngayon.'
Itutuloy...