Chapter 15

2154 Words
YOHAN’s POV Simula nga nung gabing nag confess sya, without him knowing na narinig ko ay mas domoble pa yung pag aalaga nya sa akin. Naroon yung sya na palagi yung nagluluto sa amin mula umaga hanggang gabi. Ang mas maganda pa hindi na palaging adobong kangkong yung niluluto nya, nagluluto na rin sya ng iba pang putahe, yun nga lang palagi nya pa rin itong hinahaluan ng kangkong. Sa eskwelahan naman lagi syang nage.ensist na sya daw magdala ng mga gamit ko pero hindi ko sya pinapayagan, puma-pout pa ang loko ang cute nga nya pag ginagawa nya yun eh, kaso hindi ko pa rin sya pinapayagan, tapos napapansin ko din na hindi nya ako iniiwan kahit saan ako magpunta lagi syang nakabuntot which is hindi naman nakakainis. Tinanong ko sya about dun pero sabi nya lang ginagawa daw nya yun dahil yun daw ang tungkolin nya, pero para sa akin meron pa syang malalim na dahilan at yun ay ang wag akong malapitan ng ibang lalaki. Ang ganda ko no? About naman sa amin ni Cedrick, okay lang, smooth lang naman yung sitwasyon para sa aming dalawa mensan sumasabay sya sa aming kumain pero hindi pa rin sya nakaligtas sa bagsik ni Kenny , sinampal sya nito ng kaliwa't kanan saka sinuntok sa tyan, hard masyado bespren ko eh pero pagkatapos naman nun okay na sila, nagpapalipas lang daw sya ng galit. Si Martin naman hindi maipinta ang mukha kapag nakikita nyang malapit si Cedrick sa akin kulang na lang mangisay sa sakit si Cedrick, dahil sa klase ng tingin nyang ipinupukol dito. "Hi guys, ito na pala yung full details para sa upcoming Christmas party natin ididikit ko na lang ito dito sa Information board na'tin ah, you are free to look basta ba wag nyo lang pupunitin dahil wala na akong soft copy nyan, " wika ni Levi sa lahat, tumingin naman sya sa gawi ko na malapit lang sa kinaroroonan nya saka kami nagpalitan ng ngiti. Hindi na naman sya gaanong naapektuhan na ngayon compare daw nung gabing sinabi ni Cedrick sa kanya na ako yung mahal nya dahil daw wala naman daw syang magagawa kung yun ang nararamdaman ni Cedrick hindi nya naman daw ito kayang baguhin. Ok na rin naman kaming dalawa kaso yung pagbabatian namin is para lang talagang kaschoolmate at hindi yung parang close talaga siguro nahihiya pa rin sya o ako talaga yung may ganung pakikitungo sa kanya, ako kasi yung taong once mawasak ang tiwala hindi na pwedeng mabalik sa dati. "Look guys, ngayong sabado na pala ito oh!" sigaw ni Centhia, habang nakatingin sa papel na idinikit ni Levi kanina. "Kaya ihanda nyo na lahat ng mga gamit na dadalhin nyo ngayon pa lang para iwas hiraman ng gamit. Baka pati underwear ay maghiraman pa kayo ah," pagpapatuloy nya, natawa lang naman ang mga kaklase namin. Nagulat ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Martin sa gilid ko. "Saan mo gustong mamasyal mamaya?" pagtatanong nya. "Sa dating place pa rin , mas gusto ka dun eh nakakapag-isip ako ng maayos." Isang linggo na kasi ang nakalipas mula nung nagconfess sya sa akin, pagkatapos nun palagi na kaming namamasyal kahit saan-saan para daw maka hanap kami ng sagot para mapalabas ang kapangyarihan ko. Parang naghahanap ng Pokemon ang peg. Pero kahit ganon wala pa ring usad, pero may iba akong nararamdaman tuwing gumigising ako ng umaga , palagi akong nahihilo sa'ka nagsusuka sinabi ko naman ito kay Martin para malaman kung konektado ba ito sa powers ko at sinabi naman nya na epekto daw ito ng pamimilit na lumabas ng kapangyarihan ko kaso may hinihintay lang daw itong mangyari . "Masakit pa rin ba ulo mo haggang ngayon?" kitams! Grabe kung maka concern eh no, parang boyfriend, taray! "Ok naman na ako. Tsaka napansin ko na may time limit yung pagsakit nya, mga isang oras lang yata tapos pagkatapos nun wala na sya, balik ulit ako sa dati, " sabi ko. "Mabuti naman, so ano plano mo mamaya? Hindi na kasi tayo pwedeng bumalik dun, " sabi nya. "Bakit naman? Ang ganda kaya ng ambiance dun, tapos ang presko pa ng hangin. " Yun yung favorate spot ko yung dun sa malapit sa dagat pero nasa mataas na parte dun sa lugar na muntikan na akong mahulog pero hindi natuloy dahil nga iniligtas ako ng lalaking to. "Kailangan na nating mag try pa ng ibang lugar para malaman natin kung nakadepende ba talaga sa lugar o sa kalikasan ang paglabas ng kapangyarihan mo, " pagpapaliwanag nya. "Okay, basta ba ako pipili, " sabi ko na sya nya namang tinanguan. Pagkatapos ng lahat ng aming klase ngayong araw ay agad na kaming pumunta sa lugar na napili ko. ***   Dito ko napili dahil ito yung pinaka mataas na building sa buong Pilipinas , gusto ko talaga yung mga matataas na mga lugar feel ko kasi safe ako, iba pag-iisip ko sa karamihan no? Sila kasi kapag usapang matataas na lugar mananayo kaagad yung balahibo pero ako naaapreciate ko talaga to the highest level. Nabasa ko dun sa labas na "The Gramercy Residence" yung pangalan ng building na to sa pagkaka-alam ko isa itong hotel na pagmamay-ari ng Century Properties Inc. na isa sa mga malalaking companya dito sa Pilipinas. Nagpiggy back-ride lang ako kay Martin papunta dito para daw mabilis kaming makarating at hindi na ako mapagod, as usual hindi kami dumaan sa loob para hindi mapansin ng mga tao doon makasuhan pa kami ng trespassing , sa labas lang kami dumaan, sa dingding to be exact. Eh sa mala bampira s***h tikbalang na bilis ba naman na kapangyarihan ng lalaking ito kaya para lang syang kidlat kung dumaan, kaya namementain nya yung kanyang momentum at dahil dito hindi kami nahuhulog sa pag-akyat. "Bakit ka ba masyadong mahilig sa mga may kataasang lugar?" out of nowhere ay biglang nagtanong si Martin, na ngayon ay nasa tabi ko habang kaming dalawa ay nakatanaw sa nagtataasang mga estruktora sa aming harapan. "Wala lang naman, feel ko kasi kapag nasa mataas na bahagi ako safe ako, ligtas ako sa lahat... sa lahat ng mga may gustong saktan ako, at least dito sa ibabaw hindi nila ako basta-basta maaabot para apihin at tapakan, " pagdradrama ko in a light way. "Marami bang umaapi sa iyo?" sabi nya sa mababang tono na parang na-aawa. "Hindi naman masyadong marami, syempre hindi naman talaga natin maiiwasan na maapi talaga, kahit ikaw pa ang pinaka-makapangyarihan sa buong mundo, mayroon at mayroon pa ring taong aapi sa'yo, "pagsasalaysay ko. Bigla nya akong niyakap sa likod, napawi naman nito ang lamig na dulot ng pag-ihip ng hangin. " 'Di bale kapag lumabas na ang kapangyarihan mo, wala na talagang mang-aapi sa'yo, mamahalin ka na ng lahat, " bulong nya sa aking tenga na nagpatayo sa mga balahibo ko habang nakapatong ang kanyang baba sa balikat ko . "Ah, eh okay, pero pwede pakitanggal nung mga kamay mo na nakapulopot sa beywang ko dahil na iilang na ako, " sabi ko sa kanya sabay pilit na tinatanggal yung mga kamay nya sa beywang ko hindi naman ako nahirapan dahil sya na mismo ang humiwalay. *** Mahigit isang oras din kaming namalagi doon para maghanap ng solusyon sa problema ko, pero parihas pa rin ng dati wala pa ring nagiging pagbabago. Napagpasyahan na lang namin na umuwi na lang ng bahay total ay maggagabi na naman at hindi pa sya nakakaluto. Ginamit nya pa rin yung power nya para makababa at makarating kami sa bahay pero hindi kami tumigil sa mismong bahay talaga namin kundi sa unang kanto lang papasok doon bilang request ko na rin, gusto ko kasing maglakad-lakad. "Ano ba lulutuin mong ulam ngayon? " tanong ko habang naglalakad kami. "Ikaw, ano ba gusto mo? " tanong nya din "Hmmm, gusto ko fish fillet, kaya mo ba?" "Kakayanin basta para sa'yo, " walang ka gatol-gatol nyang sagot. "Okay basta ba wala ng kangkong ah. " "Bakit, hindi mo na ba gusto yung specialty kong yun? yun kaya yung nagpapasarap sa mga niluluto ko." nagtatampo sya bes, nagpout eh. "Sus, ito naman tampo kaagad, sige na nga lagyan mo na rin ng special SECRET recipe mo, saka tigil tigilan mo na nga yang pagpapapout mo di bagay." "Kiss mo na lang para bumalik," mahinang bulong nya na tama lang para marinig ko, pero nagpatay malisya lang ako. "Huh, may sinasabi ka?" "Ah, wala sabi ko nandito na tayo sa harap ng bahay." Hindi ko pala napansin na nandito na kami sa harap ng boarding house, pumasok na kami saka sya nagluto at ako naman ay pumasok sa kwarto para magpalit ng suot saka bumalik patungong kusina kung saan nakita kung nakahanda na kaagad ang mga pagkain, hindi na naman din ito bago para sa akin dahil araw-araw naman ganito talaga sya kabilis sa lahat ng bagay. Sana lang hindi pati sa kanyang nararamdaman. "Wow, mukhang masarap nga to ah, ginawa mo talagang pangdecor yung kangkong. " pagpupuri ko sa kanyang niluto. "Syempre , kapag para sa'yo dapat lahat perfect." "Sus, daming alam. Kumain na nga lang ta'yo nang mabusog na ako." Pangsesegway ko baka san pa umabot ang usapang iyon eh, saka nakapag desisyon na ako sa Christmas party na lang namin ko sya e.einterogate. Habang kumakain kami panay lang yung titig nya sa akin ni hindi na nga nya ginagalaw yung kanya eh at ako naman hindi makapag concentrate dahil sa mga titig nya. "Kumain ka kaya nang magkalaman naman yang tyan mo" "Busog na ako." "Huh, anong mabubusog eh hindi mo nga ginagalaw yang pagkain mo eh, ito talaga." Sabi ko habang umiiling pa. "Basta, busog na talaga ako, " nakatitig pa rin sya sa'kin. "Bahala ka jan, basta ako uubusin ko tong nasa plato ko para mabusog ako ng totoo, " sabi ko habang pinagdidiinan yung huling salita. Nang matapos kami sa pagkain ay agad na akong lumabas sa kusina saka bumalik sa kwarto para ihanda na yung mga gamit kong dadalhin sa private island ngayong sabado. Habang si Martin naman eh nasa kusina pa din naghuhugas sinabi ko nga sa kanya na ako na lang gagawa nun pero nagpumilit pa din sya kaya talo ako, para talaga akong prensesa kapag nandito sya wala akong ginagawa kundi umupo at magpahinga. Pagkatapos ng isang minuto sumunod na sya sa akin para ihanda na rin yung kanyang mga gamit pero ngayon hindi na nya ginamit yung powers nya, bakit kaya? "Ahm, Martin magsabi ka nga ng mga random facts about sa'yo, sa sarili mo yung hindi ko pa alam, " makapagbukas lang ng topic. "Ano pa ba ang hindi mo alam tungkol sakin?— " tumigil siya habang nakatingin sa ibabaw at himas-himas ang kanyang baba na animo'y nag-iisip. "Ah ito! Yun mga magulang ko namatay ng 8 years old pa lang ako." —Parihas pala kami na wala ng mga magulang— "Tapos yung nasa Mimic pa ako may lugar akong palaging pinaglalagian pagkatapos ng mahabang araw na pageensayo, doon sa ilalim ng bahay ko dun, may underground room kasi dun, dun ako nag babasa ng mga libro at natutulog minsan kapag tinatamad na akong umakyat, " —bigla siyang ngumiti na ikinapula ko— "Tapos hindi ako nakapag-aral ng koleheyo, 3rd year high school lang kasi yung natapos ko naging heneral lang ako dahil nakita ako ng aming panginoon o hari na napatay ang limang bigating magnanakaw sa planeta namin." Marami pa syang mga sinabi hanggang sa hindi ko na alam kung ano yung sunod na nangyari napansin ko na lang na umaga na at nakapwesto na ako ng komportable sa kama ko, malamang si Martin ang nag-ayos nito sa akin. Narinig ko na lang na parang maingay sa labas kaya lumabas ako ng kwarto ng hindi man lang nakaayos, nadatnan ko doon sila Centhia, Kenny, Cedrick at Martin na nagkwekwentohan , oo yung dalawa talaga is hindi talaga namin dapat isasama dahil nga hindi namin sila mga classmate pero nagpumilit at naki-usap pa sa adviser namin kaya nakasama talaga. Napansin ko rin na naka-bihis na silang apat including Martin ng panglakad na damit. "Hoy, bhe ang tagal mo namang magising mag-aalas nwebe na kaya at hindi ka pa rin nakakapaghanda, buti pa tong si Martin nauna pa sa'yo," sabi ni Kenny sa'kin ng makita akong nakatingin sa kanila, napapansin ko ring nagpapacute sya kay Martin na halata na mang may crush sya rito. "Oo nga fren, ang tagal mo naman para kang babae, " segunda naman ni Centhia, hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. "Hoy-hoy, tama na yan pinagtutulungan nyo naman si Yoh. Ahh, Yoh mag-ayos ka na lang hihintayin ka na lang namin dito, " si Cedrick, tumango lang ako bilang sagot. "May pagkain na dun sa kusina , kainin mo na lang tapos bumalik ka na dito sabi kasi nila sabay na lang daw tayo sa kanila, dahil wala naman daw tayong sasakyan, " si Martin naman, na hindi na naman maipinta ang mukha dahil na naman siguro sa presensya ni Cedrick. "Okay, may magagawa pa ba ako." Saka pumunta ng kusina at kumain tapos nag toothbrush at naligo saka bumalik sa sala pagkatapos ng kalahating oras. "Ok tara na, " pag-aaya ko sa kanila at saka naman sila sabay-sabay na tumayo at  sumakay sa van na pag-aari nila Cedrick. "OK, PRIVATE ISLAND HERE WE GO!" sabay-sabay naming sigaw saka pinaandar ng mabilis ang aming sinasakyan. Itutuloy...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD