Chapter 16

2523 Words
YOHAN’s POV "Centhia, paabot nga nung bottled water jan sa likod mo, " utos ni Kenny kay Centhia. "Yes babe." Tugon naman ni Centhia dito sabay wink pa, mukhang alam ko na kung bakit sunod-sunuran tong babaeng to kay Kenny... si Kenny naman ay parang nasusuka. "Hoy! babae ka kilabutan ka nga sa mga pinaggagawa mo, di tayo talo no, " pangbubuska nya kay Centhia na nagpapa-pout lang dito. Umismid lang naman and huli. "Ang harsh mo naman babe, hindi mo pa nga natatry eh, jinajudge mo na kaagad, malay natin nacoconfuse ka lang sa gender mo at pwede ka pang magbago tapos ako yung magiging tulay, di ba?" sabi naman ni Centhia, ano ba kasing nakita nya kay Kenny at nagustuhan nya na halata naman lalaki din ang gusto. Hay buhay talaga, parang life. "Hoy! Ikawng babae ka, kung wala kang ibang magawa at nabobored ka na wag ako ang pagdiskitahan mo, tumingin ka na lang ng mga s*x videos jan sa phone mo nang masatisfied yang baklang kaluluwa mo. Kinikilabutan ako sa'yo. Wag ka ngang tumingin dito, naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo eh. Tsu-tsu, alis!" pagtataboy ni Kenny kay Centhia, ang babae naman sinunud din ayon tumingin talaga ng s*x videos ang ingay pa, vinovoice out talaga yung bawat ditalye ng pinapanood nya, ang masaklap pa eh gay p**n yung pinapanoud ng hinayupak. Yung mga kasama naman namin ay halatang na-iilang na rin dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig ng babaeng to si Kenny naman relax lang sanay naman din sya dahil nanunuod din sya ng mga ganyan nung nasa boarding house ko pa sya, ina-aya nga nya akong tumingin din kaso hindi ako makatagal dahil masyadong obscene yung video, alam nyo naman dalagang pilipina ako kaya innosente ang ganapan. Yung set-up namin ngayon ay si Cedrick yung nagdadrive tapos katabi nya si Kenny, dapat kami yung magkatabi ni Kenny kaso nagpresenta si Martin na kami daw ang magtabi kaya ayun no choice si Kenny kundi tumabi kay Cedrick sa front seat, tapos sa ikalawang baitang ng Van ay kaming dalawa ni Martin ang magkatabi then si Centhia lang yung nasa likod, mag isa. Actually dito dapat sya sa gitna namin ni Martin uupo kaso hindi pumayag si Kenny dahil panigurado daw kukulitin sya palagi at kakalabitin ng babae kaya sa likod na lang talaga sya mag-isa. "Sige, sagad mo kuya sige yan, Ahhh! sige umungol ka pa. ahhh sige, masharap ba?" isa lang yan sa mga sigaw ni Centhia habang nakafocus sa pinapanood nya, wala na ang inosente kong tenga. Cedrick=Kenny Ako=empty=Martin empty=Centhia=empty =mga bagahi namin= Ganyan yung set-up namin sa van. "Matulog ka muna narinig ko kasing malayo-layo pa yung private island na pupuntahan natin kaya siguro kailangan mo munang magpahinga para hindi ka mapagod sa byahe, " sabi ni Martin sa akin habang lumalapit sya sa inuupuan ko. "Ahm. Ok lang, nakatulog naman ako ng maayos kagabi eh kaya no probs." Pagtatanggi ko pero iginiya nya parin yung ulo ko sa balikat nya para sumandal doon. "Wag na matigas ang ulo, sige na matulog kana. " Ako parati yung nasusunod sa aming dalawa pero kapag sya na ang gustong may ipagawa sa'yo ay hindi talaga sya papayag hangga't hindi ka napapasuko. Wala na naman akong nagawa kaya ipinikit ko na lang yung mata ko feel ko naman na comportable ako sa kanyang sumandal kaya ilang sandali lang ay nakatulog na ako. Nagising lang ako dahil sa mga mahihinang tapik ng mainit na kamay sa mukha ko. "Yoh, gising na. " Nung una akala ko si Cedrick kasi sya lang naman yung tumatawag palagi sa akin nun eh, kaso pagmulat ko mukha ni Martin yung nabungaran ko, masyadong malapit yung mukha namin sa isa't-isa, naaamoy ko na yung mabangong hininga nya at kunti na lang eh maghahalikan na talaga kami buti na lang at umalis na kaagad sya at umayos ng tayo, kaya nakahinga ako ng maluwag. "Nandito na ba tayo?" tanong ko habang iginagala ang paningin. "Wala pa, tumigil lang tayo sandali para makakain at maka-ihi daw sila, sabi naman ni Centhia kanina malayo-layo pa daw yung patutunguhan natin," mahabang litanya nya. "Ganon ba, eh asan na yung ibang kasamahan natin?" "Nasa loob na sila ng restaurant, baka kumakain na yun ngayon sabi nila sumunod na lang daw tayo pag nagising na kita," sabi nya. "Pasensya na, pinatulog mo pa kasi ako eh tulog mantika talaga ako, hindi ba tumulo laway ko?" nahihiya kong tanong sa kanya habang papasok kami sa loob ng restaurant. "Okay lang naman at hindi naman tumulo yung laway mo... ang cute mo nga tingnan habang natutulog ka eh, " namula naman ako sa sinabi nya. "hehe, shelemet, " tangi ko lang nasabi. Pagpasok namin sa loob ay naabutan namin doon sila Kenny na kukumain na at halos malapit na silang matapos. Ganon ba talaga ako katagal natulog?. "Bakit hindi mo naman ako ginising ng mas maaga yan tuloy nahuli ka pa ng kain, " bulalas ko "Okay lang naman ,gusto ko kasi tayo lang dalawa ang sabay na kumain. " "Okay, sabi mo eh. Kain na tayo?" pag-aaya ko sa kanya. Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa van saka nagpatuloy sa pagbyahe, mahigit limang oras din yung naging byahe namin saka kami nakarating sa da-ungan papunta doon sa private island nila centhia, pagkarating namin doon ay may nauna na sa amin medyo marami-rami na rin sila. Yung iba naka van katulad namin yung iba naman naka kotse talaga. Mga yayamanin kasi tong mga classmates ko, RK kung baga. "Asan na yung iba?" tanong ko kay Ms. Camwell na nags.selfie ngayon. "Wala pa eh, si Ms. Fonteberde naman tinawagan ko kanina, sabi nya padating na daw sila naligaw lang daw sila ng kunti pero nakabalik naman, " sagot naman nya saka bumalik sa pagp.picture taking. adik talaga. "Eh sa layo ba naman ng lugar na to, sino ba namang hindi maliligaw, kami nga eh naligaw din buti na lang nakaregister ang lugar na'to sa GPS kaya oks na, " sabat naman nung isa naming kaklase. "Hintayin na lang natin yung iba kung kailan dadating para sabay-sabay na tayong pumunta doon, dito lang kasi may signal pag nakarating na tayo doon wala ng signal yang mga gadget nyo, kaya hanggang nandito pa kayo tadtarin nyo na ng updates yang mga social medias nyo, nasabi ko na rin naman ito matagal na kaya siguro alam na to ng lahat." Usal naman ni Centhia na syang sinang-ayonan lang ng lahat saka isa-isang kuha ng mga gadget para magpost. Naghintay pa kami ng isang oras bago kami nakumpleto saka sumakay sa mga bangka na nirentahan namin papunta doon. *** Mga bandang alas singko na ng hapon kami nakarating sa private island nila Centhia, kalahating araw rin pala yung byahe papunta dito buti na lang talaga pinatulog ako ni Martin kanina, tiningnan ko yung iba halatang pagod na basi sa kanilang mga expresyon sa mukha, two days kami mamamalagi dito kaya mae.enjoy pa namin itong trip na'to ng mabuti kahit na isang araw yung naging byahe namin worth it naman dahil sa mala paraisong ganda ng islang ito, pagkatapos naman nito ay hindi na kami magkikita pansamantala dahil christmas break na. Sumunod ay gumayak na kami papuntang penthouse nila Centhia dito, mayroon silang tatlong penthouse dito na tama lang sa bilang namin. Yung naging karoomate ko ay si Martin, yung kay Kenny naman ay si Centhia kapag hindi daw sila magkaroomate papa-alisin daw niya kami ditong lahat kaya pinagtulungan ng lahat na kumbensehin si Kenny kaya ang result walang nagawa ang bestfriend ko. si Cedrick naman ay si Ms. Fonteberde, si Levi sana iyon pero nagrequest ang dalawa na medyo hindi pa daw sila masyadong komportable sa isa't-isa kaya nag swap sila nila Ms. Camwell at Ms. Fonteberde. Hindi pa natulog ang lahat dahil napag-isipan nilang gumawa muna ng activities sa dalampasigan, nagtipon ang lahat doon at saka pina-ikutan ang ginawa naming bonfire. At dahil ako naman ang Presidente ng klase kaya ako ang gumawa ng activiting ito, napag-isipan kong magshare ng mga thoughts and feelings nila sa lahat yung talagang maririnig talaga ng lahat at hindi pwedeng may umepal habang nag-shishare sya, parang open forum lang. Unang nagsalita ay si Centhia dahil nangangati na daw syang isiwalat ito sa lahat. "Ahm first of all magandang gabi sa lahat, itong sasabihin ko eh about sa lovelife ko and in my self na pwede nyong gamitin pang blackmail o pang dagdag sa mga gusto nyong malaman tungkol sa'kin sa mga gustong manilgaw" — natawa ang lahat, maganda naman talaga si Centhia eh kaso nga lang over yung pagkaloka-loka nya kaya natatabunan yung ganda nya. At nagpatuloy sya— "May isa akong taong gusto at nandito sya ngayon sa circle na'tin, actually hindi sya straight and I don't know kung ano ang nagustuhan ko sa kanya siguro nga tama sila na the more you hate the more you love, siguro yun yung nangyari sa akin kasi nung first time naming mag-usap ay para kaming aso't pusa kung magbangayan pero as time pass by hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya. " Nakangiting aso naman ang lahat dahil sa narinig nila, si Kenny naman ay nakabusangot at kulang na lang ay sugurin si Centhia at putulan ng ulo dahil sa mga pinagsasabi nito halata naman kasing sya ang tinutukoy nito. "So yun yung feeling ko na gusto kong ishare at ngayon is yung about naman sa'akin... "—tumigil sya saglit tsaka umubo—"mahilig akong manuod ng p**n videos not the normal one but a gay p**n, loka-loka ako sa school pero kapag ako lumandi at magmahal asahan nyong seseryoso ako, mas gusto ko yung taong honest kung magpahayag ng totoo nyang attitude kaysa sa taong maraming tinatago. Yun lang, sino na ang susunod?" "Ako!" pagsingit ni Kenny na ang sama ng tingin kay Centhia na nginitian lang ng babae, saka naman tumayo si Kenny at nagsimula. "May isa akong taong kina-iinisan dito, sobra-sobra ko na talaga syang kina-iinisan, gusto ko na syang tirisin ng pinong-pino pero mamaya na lang para walang makakita tatabunan ko ng unan ang mukha nya para hindi na sya maka-hinga. " Dahil nga sa sinabi nya ay nagkaroon ng hint ang lahat kung sino yung tinutukoy nya at si Centhia naman ay nakangiting aso lang. "Ayaw ko sa kanya dahil ayaw ko sa mga katulad kung madaldal at loka-loka dapat ako lang ang nag-iisang reyna sa larangang yan... hindi na ako magshishare ng about sa akin, follow me on i********: na lang nandun na ang lahat ng kailangan nyong malaman, " saka sya uli umupo. Yung sumunod naman ay si Martin habang tumatayo sya ay nakatingin lang sya sa akin saka sya nagsalita "Magandang gabi sa lahat, kunti lang siguro yung nakakakilala sa akin dito dahil bago pa lang ako nakapagtransfer galing ako sa S.U o Secret University, nagtransfer ako dito para sa isang tao at yung tao na yun ay dapat kung bantayan sa utos na rin ng taong mas mataas sa akin ang estado, pero hindi ko alam na sa paglipas ng panahon ay may iba pala akong mararamdaman para sa kanya." "Bigla na lang may umusbong na damdamin sa loob ko, yung araw-araw gusto ko syang makita, gusto ko syang pagsilbihan at gusto ko nasa tabi ko lang sya palagi at hindi ko din gusto na may ibang lalaking umaaligid sa kanya except for me. Nung una nag-aalangan pa ako sa nararamdaman ko para sa kanya, pero dahil sa isang pangyayari ay para bang doon ko napagtanto na hindi ko lang pala sya gusto kundi mahal ko na sya at handa akong ibuwis ang buhay ko maligtas lang sya at sana dumating ang araw na malaman nyang minamahal ko sya. Imposible man, sana ganon din sya sa'kin. " Habang sinasabi nya ang mga katagang yun ay nakatingin lang sya sa akin, pagkatapos nyang makaupo ay nagpalakpakan na ang lahat dahil sa mga narinig nila. Sumunod naman ay sina Levi at Cedrick as usual nagshare sila ng feelings na about sa past nilang relasyon at pati na rin ang muli nilang paghingi ng tawad sa akin, hindi man nila sinabi ang pangalan ko pero alam kong para yun sa akin dahil habang nagsasalita ay panay yung lingon nila sa kinaroroonan ko. Sumunod naman yung iba, sila Ms. Camwell, Ms. Fonteberde, Mr. Burgos, at pati na rin yung lahat ng mga kaklase ko hanggang dumating na sa puntong ako na ang magsasalita ako daw kasi ang magcoclose sa activity naming ito. "Ahmm hehe... First of all I wanna say thankyou for all of you who attended this adventure, natutuwa talaga ako na ngayong taong ito ay kumpleto tayo at may nadagdag pang dalawa, for almost 7 months of our acquaintance we've been good to each other at natutuwa ako na kahit minsan ay nagkakatampohan at nagpapataasan tayo ng grades but in the end we still being considerate on each sides, though being a president of two parties which is being a President of SSG and our classroom bring me so much hustle, I still being thankful because if it didn't happen I won't feel the once in a lifetime experience in it's excellence. Okay mag tatagalog na ako. Yung kanina is para sa lahat ito naman is para lang sa isang tao... "Salamat sa pagbabantay sa akin, sa pagluluto sa akin araw-araw, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yung mga ginagawa mo sa'kin though you said that you are doing it just to protect me and do your job, but I know deep within may iba ka pang dahilan, " tumingin ako sa gawi nya nakikita ko sa mga mata nya ang kagalakan dahil sa mga sinasabi ko, marahil hindi alam ng lahat na sya yung pinaparinggan ko pero kaming dalawa alam na alam namin yun. "Yung gabing nagconfess ka sa'kin at sinabi ang lahat, narinig ko lahat ng yun kahit na all this time ang akala mo lang ay hindi ko alam ang lahat pero alam na alam ko, kahit hindi mo na sabihin malalaman ko pa rin naman eh, sa paraan ng pag-aalaga mo sa'kin sa pagbabakod sa akin, alam ko ng may iba yung kahulugan pero wag kang mag-alala hindi naman ako na-iilang eh, 'cause we're sailing on the same boat', " pagtatapos ko saka ako umupo at tiningnan sya ulit. Nasa mukha nya ang pagkagulat dahil siguro sa isiniwalat ko o dahil sa hint na ibinigay ko, oo mahal ko din sya pero hint muna ang ibinigay ko dahil kagaya ng lagi kung sinasabi hindi pa'ko handang sumugal sa isang relasyon, natrauma na siguro ako kay Cedrick, kaya hindi kuna kayang buksan ang puso ko ng walang pag-aalinglangan. 'I'm willing to take the risk with him, if he can prove to me that it is all worth fighting for.' Oo, alam kong sa pag-ibig hindi mo talaga mai-iiwasang masaktan pero hindi naman ako masokista para paulit-ulit na saktan ang sarili ko. Mahal ko sya pero mahirap maniwala sa instinct lang ngayon, lalo pa't nararamdaman kong marami pang bagay ang darating sa aming buhay. *** Nang makaramdam ng antok ang lahat ay nagdesisyon na kaming pumasok sa penthouse at matulog, bukas na namin gagawin ang totoong pakay namin dito. "Goodnight, " sabi nya sa akin habang naka-upo sa tabi ko at ako naman ay nakahiga na. Sa isang kwarto kasi may isang kama lang kaya no choice ang lahat kundi magshare. "Goodnight din, " tugon ko naman saka sya binigyan ng matamis na ngiti na nagpapahayag ng klase-klasing uri ng emosyon, saka ko ipinikit ang aking mga mata.   Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD