YOHAN’s POV
"Hoy gising na jan, ang tagal mo talagang bumangon kahit kailan, " sigaw sa akin ng dakilang besfren ko sabay yugyug pa sa katawan ko.
"Ano ba... ina-antok pa ako eh, give me 10 minutes, " sabi ko sabay talukbong ulit ng kumot.
"Anong 10 minutes ka jan! eh kanina ka pa nga humihingi ng additional minutes eh, FYI mag aalas otso na ng umaga!" sigaw nya sa akin sabay yugyug na naman kaya wala na talaga akong nagawa kundi bumangon na lang kahit ina-antok pa.
"Bakit ba kasi kailangan nating gumising ng maaga? " pagmamaktol ko.
"Isang araw na lang tayo dito friend, nagamit na natin yung isang araw dahil sa byahe lang kahapon kaya ito na lang talaga yung natitirang araw para sa atin, kaya kailangan nating gumising ng maaga para maenjoy natin ng bonggang-bongga."
Oo nga pala isang araw na lang pala ang natitira para manatili kami dito, ba't ba kasi ang layo ng lugar nato sa lugar namin, nasayang pa tuloy yung isa pang araw namin na pananatili dito. Pero bahala na e.enjoy na lang namin tong araw na to, to the fullest.
"Oh ano na!? Hindi ka pa rin ba tatayo at ipapasundo na lang kita sa 'Guardian' mo dito, " sabad nya.
"Sira, ito na tatayo na po. Di makapaghintay?" maktol ko.
Napa 'tsk' lang sya sabay iling-iling pa.
Paglabas ko ng kwarto eh pumunta muna ako ng kusina para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ay lumabas na, nakita ko doon ang lahat na masayang nagtatampisaw sa dagat.
Yung mga babae ay naka swim suit habang yung mga lalaki naman ay naka swimming trunks kasama na dun si Cedrick, aaminin ko nabibighani pa rin ako sa hubog ng katawan nya. Ang ganda kasi eh. 6 pack abs, v-line at ang medyo pang amerikanong kulay ng balat nya. Pero napansin ko rin na hindi nakikihalubilo si Martin sa lahat nandon lang sya sa gilid nakaupo sa putol na kahoy habang nakangiting pinagmamasdan yung iba kaya naman naglakad ako papunta sa kanya.
"Ba't hindi ka sumama magswimming doon?" sabi ko sa kanya nang makadating ako sa kinaroroonan nya saka tumabing umupo dito.
Medyo na-iilang pa rin ako dahil sa nangyaring aminan namin kagabi, yung akin okay naman kasi hint lang naman yun pwedeng isipin nyang para sa kanya yun o hindi, pero yung sa kanya alam ko at sure ako na para talaga iyon sa akin at doon ko rin nalaman na tama nga talaga ang lahat ng hinala ko.
"Ahh, wala akong gana, mas gusto ko yung tumitingin lang," sabi nya na parang nahihiya sya.
"Asan, sa mga naka swim suit na mga babae? Ang manyak mo, " biro ko sa kanya.
"Haha, hindi gusto ko lang silang makitang masaya na nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata, " sabi nya na may ngiti sa labi.
"Awws, buti naman akala ko p*****t ka eh, " usal ko sabay peace sign. Pero bigla nya naman akong hinigit palapit sa kanya kaya napapitlag ako.
"Wag kang mag-alala hindi naman ako titingin sa iba eh, ikaw lang ang titingnan ko kaya wag ka ng magselos, " namula naman ako sa sinabi nyang yun.
"H-huh, anong bang pinagsasabi mo jan,"— patay malisya ko —"ako nagseselos? Never! " sabay turo ko sa sarili.
Nakita ko naman yung pagseryoso ng mukha nya kaya agad akong kinabahan pero hindi ako umimik.
Saka bigla syang nagsalita.
"Alam mo naman siguro na ikaw yung tinutukoy ko kagabi diba? doon sa ibinahagi ko?" sabi nya na nakatingin sa akin ng diretso pero hindi pa rin ako umiimik kaya nagpatuloy sya.
"Yung mga sinabi ko kagabi ay totoo lahat ng yun, oo ina-amin ko gusto talaga kita Yoh, ay hindi, mahal na talaga kita at umaasa ako na ganun ka rin sa akin, " madamdamin nyang saad sa akin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko pero pinili kong magsalita kaysa naman hindi sya imikin hanggang matapos ang araw pero hindi ko pa rin pwedeng sabihin na ganon din ang nararamdaman ko para sa kanya hindi pa ngayon, hindi pa ito ang tamang panahon para sa bagay na yun.
Kaya para may matugon ako nginitian ko na lang sya, hindi ko alam kung nasiyahan ba sya o hindi, wala kasing emosyon ang nakikita ko sa mukha nya, poker face lang.
"Pero wag kang mag-alala, hindi naman kita minamadali eh, sa ngayon pagtuonan muna natin ng pansin ang paglabas ng kapangyarihan mo at pati na rin itong kasiyahan natin, kaya hali ka na, maligo na tayo habang hindi pa masakit sa balat ang araw. " Sabi nya sa akin ng may ngiti saka ako hinila papunta sa dagat, hindi na nya ako binigyan ng pagkakataong sumagot.
Siguro nga tama sya hindi pa ito ang oras para doon dahil napakarami pang ganap sa buhay ko na dapat mahanapan ng solusyon kumpara doon, sa ngayon I-enjoy ko na lang tong araw na to para makalimutan ko ang bagay na yun kahit papano.
***
Pagkatapos ng mahabang pagtatampisaw sa tubig ay agad na kaming nagtungo sa gitna ng tatlong penthouse para sabay-sabay na maghapunan.
Hindi ko pa rin mapigilang hindi purihin ang lugar na'to ang ganda kasi talaga, hindi ko akalain na ganito pala ka perpekto ang lugar na ito.
Mula sa asul na dagat at puting buhangin pati na rin sa mga matatayog na puno at sa preskong hangin na nalalanghap mo at ang pinaka nagustuhan ko talaga dito ay ang klase ng klima na kahit tirik na ang araw at mag-aalas dose (12) na ng tanghali ay hindi pa rin masakit sa balat ang sinag ng araw kaya enjoy na enjoy talaga ang lahat sa pagtatampisaw sa dagat.
Dito sa gitna ng tatlong penthouse ay may malaking area na may isang malapad at mataas na lamesa na pwede namin gawing hapag ng salo-salo, kahit wala itong bubong ay hindi pa rin kami naiinitan dahil sa mga mayayabong na puno ng narra na nakapalibot dito.
Dito na rin namin balak mag night party mamaya.
"Hoy, Pres! Asan si Kenny? Bakit hindi ko makita dito?" biglang pagsulpot ni Centhia sa gilid ko habang ako ay umiinum ng tubig, muntik na nga akong masamid dahil sa pagkabigla.
"Aba malay ko baka tinataguan ka lang, saka bakit kaba nanggugulat? Uso naman siguro maging mahinahon diba, " imbyerna kung sagot sa kanya.
"Ay sorry Pres., so asan na nga sya nakita mo ba? " pangungulit nya na parang bata na nawawala sa gitna ng parke.
"Hindi ko nga alam, nandyan lang yan sa tabi-tabi nagtatago sa'yo, bakit ba kasi sa dami-dami ng totoong lalake ay si Kenny pa napagdiskitahan mo, na obvious namang lalake din ang hanap, " sabi ko dito na nagpa busangot sa kanya.
"Wala ka na dun, dyan ka na nga wala ka naman palang alam eh, dami pang sinasabi, " pagmamaktol nya.
"Hala sya pa tong galit eh sya naman tong nanggugulat kaya dapat sya yung may kasalanan, " sabi ko sa aking sarili.
***
Sumapit ang gabi at nagkasiyahan na nga ang lahat lumabas na ang mga dose-dosenang alak pero wala talaga akong balak na uminom ngayon, ang naalala kong huling araw na uminom ako ay yung araw na may muntikan ng nangyari sa amin ni Cedrick, pero hindi na tuloy.
Naputol ang pagiging lutang ko ng tawagin ako ni Kenny.
"Bes, hali ka dito inom tayo, dami palang nakaimbak na mamahaling alak sila Centhia dito kaya etchapwera yung dinala natin, " kuda nya habang dala-dala yung isang mamahaling bote ng alak.
"Alam mo naman matagal na akong hindi umiinom diba? " sabi ko.
"Sige na ngayon lang naman to, saka promise wala na talagang masamang mangyayari sa'yo this time, " pagpapaliwanag nito.
Ilang beses pa akong tumanggi pero talagang mapilit sya at sinulsulan pa ng aming mga kasama kaya sa huli napapayag na rin nya ako.
"Isa lang ah? "
"Oo promise isa lang, " sagot nya saka kami nakipagtipon sa lahat ng aming mga kasama buti hindi umulan kaya walang naging problema.
"Buti hindi pa to expired?" sabi ko sa katabi kong si Kenny na nakangising aso ngayon.
"Oh ba't ganyan itsura mo? Naku ah pag ikaw may balak na masama makakatikim ka talaga sa'kin, " pagpapatuloy ko.
"Sus, 'to naman wala noh, sige inom ka na isa lang naman, " sagot nya.
Agad ko namang tinunga yung isang bote ng alak kahit pa masyado itong mapait at mainit sa lalamunan pero kailangan ko talaga tong gawin, baka sabihin pa nilang napaka KJ ko.
Napangiwi ako dahil sa walang kakurap-kurap na inom ko sa alak.
"Oh tapos na ah , siguro naman satisfied kana nyan, " kuda ko sa kanya pero binigyan nya naman ako ng isa pang bote ng alak.
"Anu toh?" medyo may kalakasang tanong ko sa kanya.
"Alak, hindi ba obvious?" aba't namimilosopo pa to ah.
"Oo alam ko pero diba sabi mo kanina isa lang, kaya ininom ko yung isa kaya wala na kong utang sa'yo dahil nagawa ko na ang gusto mo. " May diin pero mahinahon kung sabi.
Pero imbis na sumagot ay bigla syang sumigaw.
"Guys oh, ang KJ nang President nyo, hindi umiinom kahit pangalawa lang to, diba hindi naman to nakakalasing, diba? Diba? " Yung totoo bespren ko bato o hindi, grabe kung mangtrip sa'kin eh.
"Oo nga Pres., yan lang naman kaya pagbigyan nyo na, " sabi nung isa naming kasama.
"Saka hindi naman yan talaga nakakalasing eh, " sabat pa nung isa.
"Tamaaa! " sigaw nilang lahat bilang segunda sa sinabi ng isa kanina.
At muli, hindi na naman ako nakapalag kaya ang dalawa naging tatlo, apat, lima hanggang sa hindi ko na mabilang dahil sa kalasingan ko tapos ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na alam dala siguro ng pagkalasing ko sa alak.
***
Pagkatapos maka-inom ni Yohan ng napakaraming alak at dahil sa kalasingan hindi na nya alam ang mga pinaggagawa nya.
Naki sayaw sya sa mga nagkukumpulang kasamahan nya, nakitawa na parang adik sa kanto at nakikisabay sa mga kwentohang hindi nya naman nakasanayan.
Hanggang sa dumating si Martin galing sa loob ng penthouse, hindi ito nakisali dahil nakatulog sya ng isang oras at pagkarating nya pa dito makikita lang nya si Yohan na gumigewang-gewang sa paglalakad.
Nang muntikan na itong matumba ay agad syang mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan nito saka ito inalalayan.
"Anong nangyari sa'yo ba't para kang pilay na wala sa katinuang naglalakad sa gitna ng kalsada kanina?" pagkausap nya sa lalaking naka-kandong sa kamay nya na parang isang bata. Nginiti-an lang sya nito.
"Hihi *hic* ang gwapo mo pala sa malapitan no, sarap mong halikan, " wala sa katinuang wika ni Yohan sa kanya na agad nagpapula sa kanyang magkabilang mukha.
"Hayst, lasing ka lang kaya tara na ipapasok na kita sa loob, gusto man kitang patulan dahil gusto ko din pero ayaw kung maging hindi magalang, baka isipin mo pang minamanyak kita ng hindi mo alam. " Saka nya ito inalalayan papuntang loob ng penthouse, kahit pa masyado itong mabigat dahil sa ginagawa nitong paglilikot ay tinitiis nya para lang mapagpahinga nya ito.
Nang makarating sila sa kwartong naka assign para tulogan nila ay agad nya itong ihiniga ng may pag-iingat, saka pumunta sa kusina, kumuha ng maligam-gam na tubig at bimpo para punasan si Yohan para maging malinis ito sa pagtulog.
Sisimulan na nya sana itong punasan pero nabigla sya sa sunod na ginawa nito...
Agad syang hinila saka hinalikan ng banayad sa labi.
Animo'y tumigil ang kanyang mundo dahil sa malambot na bagay na tumama sa kanyang labi, para syang nasa isang lugar kung saan puro malalambot lang ang nakikita at nararamdaman.
Naramdaman nyang kumikilos ang labi ni Yohan at dahil hindi na nya mapigilan ang kanyang sarili kaya tumugon na rin sya.
Sa simula ay pagdadampi lang ng kanilang labi ang nagaganap hanggang sa naging mapusok na ito.
Itutuloy...