Abala sa pakikipaglaban si Furcifer kay Yohan ngayon kaya wala syang kaalam-alam na sarili nya palang kapangyarihan ang tatapos sa kanya. Nagpatuloy sa pagtakbo ang kakopya nyang nasa ilalim ng kapangyarihan ni Regio patungo sa kinaroroonan nya habang ang isang kamay nito ay may dalang bolang enerheya na pwedeng tumapos sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang ngiti ni Regio na gumuguhit sa kanyang mukha ngayon, dahil alam nyang kapag nagtagumpay na mailapat ng nilalang na tumatakbo ngayon ang hawak nitong bolang enerheya sa dibdib ni Regio ay sigurado na ang kanilang tagumpay. Maliit na lamang ang distansya ni Furcifer at ng kanyang kakopya, kunting hakbang na lang nito ay siguradong mahahawakan nya sya nito, ilang sandali lang ay nakarating na nga sa pwesto ni Furcifer ang kanyang kakopya,

