Nasundan pa ang hindi kaaya-ayang pangyayari sa planetang Mimician, kung noon ay ang hayop lamang ang pinupuntirya ngunit ngayon ay pati na rin ang mga tao, nagkakaroon ng malubhang epedemia na kumalat sa isang lupon ng taga Mimician at ang lahat ng nakatira doon ay hindi pa man nalilipasan ng limang oras ay namamatay na ito, nagkakaroon sila ng hindi maipaliwanag na karamdaman at nagsimula lamang ito sa isang Mimician hanggang sa kumalat na ito sa isang lupon. Ilang araw na itong lumalaganap sa buong planeta at ngayon nga ay nagsisimula na naman itong kumalat sa karatig lupon. "Hanggang kailan ba matatapos ang kasamaan ng Furcifer na yan, ang dami nyang dinamay, pati mga inosente pinapatay nya, " galit na sigaw ni Yohan, habang nasa sentro sila ng palasyo ngayon kasama ang kanyang Ama at

