"Pabalik na kami dito sa palasyo nang makita namin syang namimilipit sa sakit at nakahawak sa kanyang tyan, hindi namin alam ang gagawin kaya diretso kaming pumunta dito, pero nung nasa himpapawid na kami ay bigla na lamang syang nahimatay!" tarantang pagbabalita ni X, agad namang dumating si Martin at nilapitan ang walang malay na si Yohan ngayon. "Dalhin nyo sya sa silid ng doktor... " utos ni Regio sa mga kawal, ngunit hindi pa man natatapos magsalita si Regio ay inakay na ni Martin mag-isa si Yohan papunta sa silid ng doktor. Agad naman naghanda ang doktor pagkakita nya dito, tiningnan nya muna ang kalagayan ni Yohan, sinipat nya isa-isa ang katawan nito gamit ang mga kakaibang kagamitan nya. Ngunit nangunot ang noo ng doktor dahil wala syang makitang problema dito. "Ano po bang nan

