Chapter 51

1328 Words

"Panginoon.... Panginoon....!!" isang tinig ang pumukaw sa lahat ng atensyon ng mga Mimiciang nasa loob ng palasyo, si Yohan na nagpapahangin lamang sa kanyang balkonahe ay biglang napasugod sa sentro ng palasyo kung saan matatagpuan ang trono ng hari dahil sa kanyang narinig na sigaw. "Anong iyong pakay at nagmamadali kang tumungo rito?" pagtatananong ni Regio sa Mimiciang nasa kanyang harapan ngayon na hindi mapakali at puno ng pag-aalala ang mukha. "Bigla pong nagwawala ang mga hayop sa amin, hindi po namin kaya itong pigilan, at ang ikinababahala namin ay kulay itim ang lahat ng kanilang mata, dalawa na po ang natalang namatay dahil sa pangyayaring iyon, " wika ng lalaking nakaluhod ngayon sa kanyang harapan at naghahabol ng kanyang hininga, biglang napatayo ang hari dahil sa sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD