YOHAN’s POV Pagkapasok ko sa Agonia ay kaagad ko ng tinungo ang kinaroroonan ni Anemoi, buti na lang at umaga pa kaya alam kong makakausap ko pa sya. Pagkadating ko doon ay kinatok ko muna ang pinto. "Pasok, " rinig kong wika nya sa loob, saka biglang bumukas ng kusa ang pinto. Kagaya nga ng inaasahan ay tutok na naman sya sa pagbabasa ng libro ngayon, lumapit ako sa kinaroroonan nya at wala na akong inaksayang panahon, diretso ko ng sinabi kung ano man ang pakay ko dito. "Ahm, pasensya na po sa abala, ngunit may gusto lang po akong tanungin?" "Tungkol ba ito sa pagkamit mo ng sukdulan ng iyong kapangyarihan?" tanong nya pabalik sa'kin tumango naman ako. Tumigil naman sya sa pagbabasa at hinarap ako. "Katulad din ng sabi ng aking nakakatandang kapatid ay sarili mo lamang ang makakatu

