YOHAN’s POV Pero nang tingnan ko ang likod nya ay nakita ko doon ang lalaking nakalutang sa labas ng planeta namin na nakatayo at para bang ang daming iniisip dahil napakalayo ng kanyang tingin. Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan nya, akma akong susundan ni Martin pero sinabihan ko na lamang sya na ako na lang ang kakausap. Hindi nya siguro naramdaman ang presensya ko, kaya kinuha ko na lamang ang atensyon nya sa pamamagitan ng isang 'Hi'. Agad naman syang lumingon sa pinanggalingan ng boses, nagulat sya dahil akala nya siguro ay walang ibang tao pero agad din syang nakabawi at diretso na namang tumingin sa harap nya. "Ahm, kamusta na pakiramdam mo, okay ka na ba?" hindi sya sumagot. "Okay lang if nahihiya ka pa, ganyan lang talaga yan kapag sa simula pa lang pero mawawala din y

