YOHAN’s POV Tatlong buwan, tatlong buwan na ang nakalipas ng pananahimik ng planetang Mimic, kami man ay nagtataka kung bakit hindi kami sinalakay ulit ng mga alagad ni Furcifer samantalang kunting pag-atake na lang ay bibigay na ang aming harang at nasa kanila ang lamang ngayon. Sa Tatlong buwan ding iyon ay wala akong napala sa aking kapangyarihan, hindi ko pa rin nakakamit ang sukdulan nito, ginawa ko na ang lahat ng posibleng paraan para lamang makamit ko na ito pero kahit ni isang senyales ay wala man lamang akong nakita at nararamdaman. Todo sanay pa rin ang lahat ng kawal, dahil hindi namin alam kung kailan lulusob muli ang kalaban, ni pati ang kapangyarihang makakita ng pangitain ni Ama ay nawala rin at ngayon nga ay lubos syang nababahala kung bakit ito nangyari, palagay nya'y

