Ang mapatag at mala-paraisong planeta noon ay naging isang mala-empyernong lugar na ngayon dahil sa ginawang pagsalakay ni Furcifer at ng mga kampon nya sa planetang Terrablaz, Ang napakatayog na punong pinanggagalingan ng lahat ng kapangyarihang nagpapanatili sa balanse nitong planeta ay pinuputol na ngayon ng mga halang na kaluluwang kampon ni Furcifer. Wala ni isang buhay silang itinira, ang palasyong gawa sa kahoy at iba pang natural na kagamitang galing sa kalikasan ay ngayon ay nagmistulang isang pader na lamang na sinalanta ng isang napakalakas na lindol dahil sa itsura nitong giba-giba at nagkalat kung saan-saan ang mga parte. Habang tinitingnan ni Furcifer ang kanyang mga kampon na ngayo'y pinuputol na ang napakalaking puno ng kahoy dito sa Terrablaz upang pagkunan nila ng sangk

