Chapter 03

1696 Words
YOHAN’s POV  "Mr. Montalbon." Tawag sa akin ng aming guro na nagtuturo ngayong oras na ito. "Mr. Montalbon!" ulit nya. Lumapit sya sa akin at sinabi ang pangalan ko sa mas malakas na boses. "Mr. M-o-n-t-a-l-b-o-n! Hindi ka ba talaga makikinig?" medyo galit na nyang turan sa akin na nagpabalik sa akin sa pag-iisip. "Sorry po ma'am, makikinig na po." paghingi ko ng paumanhin. "Aba dapat lang! Hindi porket matalino ka eh hindi kana makikinig" inis nyang turan. "Sorry po talaga ma'am hindi na po mauulit, " nakayuko kong sabi sa kanya at saka sya bumalik sa harapan at nagpatuloy sa kanyang pagtuturo. Tiningnan ko yung bagong transfer na nakabangga ko kanina sakto naman na nakatingin din sya sa akin ng may pag-aalala. Teka tama ba yung nakikita ko may pag-aalala sa mukha nya, bakit naman? Ang weird nya ah. Isa pa sya sa dahilan kaya wala ako sa isip kanina dahil sa sinabi nya na babantayan daw nya ako. Saan? Bakit? Kanino? Hayst, gino-good time yata ako nitong mokong na to eh. Weird sya masyado pramis. Pagkatapos naming makapag-usap kanina at sabihin nya 'yong mga katagang babantayan daw nya ako, eh nabigla ako syempre pero agad namang nakabawi at iniwan na sya doon malay ko ba baka bagong modus na naman. At mga estudyante na ang target nila ngayon, kaloka. "Oh Mr. Montalbon answer the problem on the board and explain it in front of your classmates thoroughly, " kuda ni ma'am. Hala sya, may pa explain pa pero choks lang kere naman nag-advance study naman ako kaya alam ko to. Matapos kong masolve yung problem ay nagsimula na akong kumuda, nang magsimula na ako ay nahagip ng mata ko si Levi na malungkot yung expresyon nya, inikotan ko lang sya ng mata at nagpatuloy sa pag explain, manigas sya, akala nya madadala nya ako sa plastikadang pa-awa effect na yan. NEVER! May pagka maldita rin kaya to. Nang matapos akong magexplain ng bonggang-bongga ay agad na akong bumalik sa upuan ko nagpalakpakan naman sila dahil sa magandang speech ko pati nga si ma'am ay pumalakpak din gamit yung paa. (Di joke lang.) "Psst—" tawag pansin nong kaklase kong si Centhia na nasa likod. Agad naman akong lumingon. "Nakita ko 'yong kanina, " dugtong nya. "Ang alin 'yong pag explain ko? Malamang, nasa harap ako eh, " pamimilosopo ko. "Hindi 'yon, yung pag ganun mo kay Levi, " sabi nya at ginaya pa 'yong pag *roll eyes* ko kay Levi kanina. "Sira, wala yon nahipan lang ng maruming hangin yung mata ko, " palusot ko. "Sus, kunwari ka pa jan eh. Ano? May ginawa na naman yang malanding yan hano? Sabi ko naman kasi sayo mag-ingat ka dyan, manunuklaw kasi yan ng patalikod, traydor kumbaga, " kuda nya sa iritang tono. "Eh kung ikaw kaya tuklawin ko ng ballpen na hawak ko ngayon, gusto mo?" Oo, tama kayo ng nabasa close kami nyan kasi Vice sya ako Pres. sa room tapos Secretary sya ako Pres sa SSG kaya kailangan full power talaga lahat ng officer para maganda yung mandatory sa buong school, eh hindi ko rin naman alam na may lahi pala syang anaconda at Vallentina, at ako naman tong may lahi ng mga anghel kaya nahulog ako sa bitag kaya ayon nakain ng buo yong dyosang lola nyo mga bes. "Oo na, kasalanan ko na, sa susunod makikinig na talaga ako sayo." "Tse, eh wala ka ngang katiwa-tiwala sa akin eh— mas nakinig ka pa don sa babaeng yon na pinaglihe yata sa pinya dahil sa kati ng dila kung ano-ano na ang lumalabas na mga kasinungalingan, " tukoy nya don sa kaibigan ni Levi na si Cassandra. Napangiti naman ako sa mga pinagsasabi nya. "Oo na po hindi na po mauulit, Sa'yo na po ako makikinig, " sabi ko na lang. Pano nya nalaman yung tungkol sa issue namin ni Levi? Baka naman nakita nya kami nong nagkoprontahan na doon sa lumang building. Hayst, bahala na nga. "Sabi mo yan ah? " pangungulit nya. "Oo nga, kulit nito, " medyo napipikon na talaga ako sa babaeng ito kunti na lang bibigwasan ko na to. "So pa'no ba yan, friends na tayo? " aha, yun naman pala eh. Matagal na nya akong kinukulit na maging friend ko daw sya, pero ako naman todo tangi kasi ayaw ko sa mga taong parehas ng attitude nyang madaldal, except nga lang kay Kenny. "Yun naman pala eh may hidden agenda ka pala, " char char kong sabi sa kanya sa mahinang volume para hindi kami marinig ni ma'am na hanggang ngayon ay nagtuturo pa rin kahit na kanina pa tapos ang Teaching Hours nya, manggagantso talaga. Walang time consciousness. "Eh sige na maganda naman ako eh, mabait din—madaldal nga lang pero kere na yun kaya sige na, please, " iwan ko ba dito kung bakit gustong-gusto talaga makipag friend sa akin. "Ok, pero— bawas-bawasan mo yang pagka madaldal mo ah kung hindi puputulin ko talaga yang dila mo, " pananakot ko sa kanya. "Yeeeyy!" sigaw nya dahil sa galak kaya napatingin lahat ng classmates namin sa kanya. "Yes Ms. Montecelio what's the matter, can you share it to everyone?" tanong ng guro namin. "Ayy, wala po ma'am sabi ko po kanina pa po kayo lagpas sa teaching hours nyo, mga 30 minutes na po." Tumingin sa kanyang relo si ma'am at doon nya lang napansin na tama nga ang sinabi ni Centhia. "Hala! Eh sorry class lagpas na pala talaga ako, sige you can go out now." Medyo napahiya naman si ma'am sa dahil dun. Pagkatapos lumabas lahat ng kaklase ko ay lumabas na din ako, kami na lang yata dalawa nung Martin na yun ang nandito sa loob ng classroom kaya dinalian ko na ang pagligpit ng mga gamit ko bakit ba eh ang weird nya eh. Baka reypen pa ako nito. Chaks, FEELINGERA! Akmang lalabas na ako nang tawagin nya yung pangalan ko, agad ko naman syang nilingon ng may pagtatanong sa mukha. " 'Di ba sabi mo kanina sasamahan mo akong libutin tong buong school niyo? Kaya gusto ko sanang magpasama sayo sa paglilibot kung ok lang sayo?" pagpapacute nya sa akin na medyo tumalab naman talaga. Tatanggi sana ako kaso naisip ko na President pala ako ng SSG kaya kailangan ko talaga syang samahan kahit labag sa loob ko ng kunti, at tsaka nandito naman kami sa loob ng school wala naman sigurong mangyayari sa aking masama dito. "Ahmm, sige tara, " sagot ko na lang kahit na may pag-aalinlangan, pero go na rin cute naman sya, chaks!! **** Nagikot-ikot kami sa buong school, Nag excuse pa talaga ako sa lahat ko pang natitirang teacher para lang malibot sya dito ah, itong kasama ko naman palagi lang nakatitig sa akin, parang useless nga yung pinagsasabi ko sa kanya eh parang hindi naman nakikinig. Kung gusto mo lang naman pala akong titigan sana sinabi mo na lang kanina pa para di na ko nag-effort kumuda dito para lang may malearn ka sa history ng school- sabi ko sa kanya sa isip lang para syempre mabait pa rin ako sa paningin nya. Yung school kasi namin is dalawa yung campus, bale magkaharap lang at tanging kalasada lang ang pumapagutna sa kanilang dalawa. Inuna ko syang ipinasyal sa Campus A o yung main campus namin kasi yun yung malaki kaysa sa isa. Pinuntahan namin yung Graden ng school which is yung garden ng mga flower at garden ng mga gulay magkalapit lang sila so madadalian ako sa pag-iikot. Dito rin sa Garden of flower iheheld yung activities bukas. May malaki kasing space dun sa pinaka gitna ng garden which is malaki naman, siguro pwedeng ipagsabay yung tatlong activities. Ganun. Sunod naman naming pinuntahan is yung mini-rizal park dito sa school, syempre nag-explain din ako sa kanya kung bakit ganun yung pagka arrange nung mga Bayani, then yung motif at tsaka yung kulay ng mga pintura sa simento. Oh diba parang feel na feel ko yung pagiging tour guide. Mga ganun lang ginawa namin lakad doon, lakad dito, kuda doon explain dito, Pasok doon labas dito.(wag green. Ok, ako lang pala. ) Kaya ang result napagod talaga ako ng bongga mga bes, syempre ubos yung laway ko sa pagkuda pati na rin yung paa ko nangangalay na dahil sa mahigit tatlong oras na paglilibot sa buong school. Bakit naman kasi masyado syang interesado na malaman ang lahat ng places dito sa loob ng school. "Oh, " sabi nya sabay bigay sa akin nung dala nyang water jag—joke—tumbler lang pala. "Salamat, " sabay kuha ko nung tubig, tsaka uminom with sexy posture, PAK! "Pwede ba magtanong?" sabi ko pagkatapos inumin yung binigay nyang tubig as in wala talagang natira kahit isang drop. Siguro time na rin para i-open ko yung topic tungkol dun sa sinabi nya sa akin kanina sa hallway "Sige, ano yun?" pagbibigay nya ng owtoridad sa akin na magtanong. "Tungkol sana dun sa sinabi mo kanina, medyo naguguluhan kasi ako dahil dun" totoo talaga yun mga bes. Ang weird eh. "Bakit mo ko kailangang BANTAYAN, may gusto bang pumatay sa akin? May gusto bang kumidnapped, mangrape o manglason?" medyo OA na yung sa last part. "Malalaman mo din yon pagdating ng tamang panahon—" pang sususpense nya sa akin. "Magkakilala ba tayo?" tanong ko "Hindi," direstso nyang sabi. "Eh bakit kailangan mo akong bantayan kung hindi naman pala kita kilala? Don't tell me kalaban ka ng pamilya ko noon tapos nandito ka para patayin ako. NO! Kung ano man yang binabalak mo, pakiusap huwag mo ng ituloy. Mayghad virgin pa ko ayaw kong mamatay ng hindi man lang nadidiligan tsaka isa pa matagal ng patay yung mga parents ko, tapos ngayon lang kayo nagpakita ano yun, SCRIPTED MASYADO? Pinagplanohan talaga? kaloka kayo ah," mahaba kong pagdradrama na tinawanan lang nya. "Hindi, hindi sa ganon, hindi kita papatayin, nandito ako for a good reason." tas bigla siyang ngumiti. Sira bato? kanina lang ang seryoso tapos ngayon tumawa-tawa. Pero Infairness ang ganda ng ngipin nya walang sira. Tapos ang gwapo pa nyang ngumiti nakaka laglag panty, kaso hindi naman ako nagpapanty kaya walang malalaglag. "Eh bakit nga?" pangungulit ko sabay hampas ng marahan sa kanyang balikat. "Sa tamang panahon ay malalaman mo rin, pagtungtong mo ng ika-labingwalong taon dun mo ma-iintindihan ang lahat. " Aba malapit na yun ah next month, tapos bigla na naman syang naging seryoso. Yung totoo, may Multi-Personality Disorder ba 'to o ano? Bigla-bigla na lang kasing nababago yung moods. "Ok, sabi mo eh. Pero bakit nga?" sabi ko. "Haysst! Kulit mo rin no, sa tamang panahon na kasi—" ayan na naman sya ngumingiti na naman. ;-) Hala sya, ba't may pawink pa?  *insert cricket sound* *^_^*   Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD