Chapter 04

1349 Words
YOHAN’s POV Nandito ako ngayon sa Garden of Flower ng School. Ala singko pa naman ng umaga kaya wala pang ibang tao dito kundi yung mga Student Council at SSG officers pa lang , tulong-tulong ang lahat para e-final check na yung mga gagamitin para mamayang alas otso. Abala ang lahat sapag che-check ng mga gamit like speaker, mic, at iba pang mga equipment. Yung iba naman tinatapos yung pag-aayos ng mga lamesa at upuan ng mga dadalo mamaya na hindi natapos kahapon dahil sa rami. Nandito rin si Kenny at Centhia na wala ng inatupag kundi magbangayan at magpasikatan kung sinong mas magandang magdesign ng lamesa, kasama kasi silang dalawa sa student committee. Yung student committee yung mga normal na estudyante na nagboluntaryo na tumulong sa event na ito. Kaya hindi matapos-tapos ang pagpafinalize ng mga gamit eh dahil sa mga bangayan nila nadadamay na yung iba. Nung sinabi ko kay Kenny kagabi nung tinawagan nya ako na tinanggap ko na yung alok sa akin ni Centhia na makipagfriend sa kanya ay hindi nya ito ikinatuwa. Baka daw plastic din katulad ni Levi pero sinabihan ko naman sya na natuto na ako, bibigyan ko lang sya ng chance tapos pag nafeel ko na, na may mali, dun ko na sya kokomprontahin at sabi lang niya na ok, pero hindi pa rin daw nya ito magiging friend dahil daw sa pagkamadaldal na para namang hindi din sya ganon. Nagrerehearse ako sa gagawin kong speech mamaya dahil ako yung MC (Master's of Ceremony) o host ng event. Nang makita ko si Martin banda doon sa pasukan na side na nakatingin sa akin, ang 'heeet' nya ngayon mga bes, naka jagger sya na color blue tapos sneakers then long sleeve na damit hindi din nya suot yung salamin nya kaya napaka-het nya talaga ngayon. Ngumiti sya sa akin ng pagkatamis-tamis tapos naglakad palapit sa akin, ang ganda ng build ng katawan nya mga bes, kitang-kita dahil sa damit nyang medyo fit-in, tapos yung nasa harapan ko na sya ang bango mga bes, yung pabangong hindi masakit sa ilong, ganon. "May maitutulong ba ako dito?" tanong niya sa akin habang iginagala ng kanyang paningin ang paligid ko. "Ah-eh. O-oo meron dun sa kabila yung mga sash ng mga candidates, e-arrange mo na lang ng mabuti from the lowest to the highest stand. " Medyo natetense talaga ako sa kanya kanina pa, pano ba naman ang lapit na nya sa akin mga limang dipa na lang siguro yung layo namin tapos yung bango nya— juice colored! Nanunuot talaga sa sestima ko. "Ah ok sige," sabi nya bago pumunta doon sa kabila at inumpisahang tingnan isa-isa yung mga sash. Habang nagbabasa ako dito, hindi ko maiwasan na tingnan sya kaya ang labas walang pumasok sa utak ko, buti na lang nakapag memorize na ako kanina kaya no probs. na yung speech ko, sa last part na lang talaga pero kere nayan mamaya. Natapos naming ifinalize na busisi-in yung lahat, makalipas ang mahigit tatlong minuto ay nagsimula na yung event. "A pleasant Morning to each and everyone! " pag-uumpisa ko. Hindi naman ako kinakabahan kasi sanay na naman ako sa mga ganitong scenario, "I'm the president of Student Supreme Government of this school, Yohan Montalbon, your host for today. First and foremost I would like to thank everyone in this field for allocating a time in their busy schedule to attend this endeavor. So from the bottom of my heart and all those involved in organizing this function thank you very much— "Before we move-on let us all watch a small video presentation, which presenting the theme or the main reason of this event." Kuda ko sa lahat, pagkatapos ay tumingin na silang lahat sa screen na nakalagay sa gilid ng stage. Pagkatapos ng video presentation ay tinawag ko na yung isang guest speaker na isang pageant specialist para magbigay ng speech sa mga candidates, nang matapos na ang kanyang pagkahaba-habang speech ay muli na naman akong umakyat sa stage para umpisahan na ang pageant. "Thank you for your very inspirational and heart warming speech Ma'am. That was one of the beautiful speeches I ever heard in my entire life. " Tumawa sya ng impit sa akin. "And now! Let's all welcome the 20 gorgeous, ahm. actually I'm one of them but I prefer to just be a host of these event just to give the other the chance to win because if I compete with them I assure you I'm the one that will be crowning as champion of this day." Pagbibiro ko sa kanila na sya namang tinawanan ng lahat. "Ok ok enough of that drama, let's now continue this aspiring speech of mine." "And now! Let us all welcome the 20 gorgeous and handsome candidates of the day. " At isa-isa nang lumabas yung mga candidates sa backstage at rumampa nang rumampa sa ibabaw ng stage. Pagkatapos ng pagrampa ay nasundan ng special performance ng mga candidates na ganon parin ang ginagawa nagbibigay ng speech tapos hahaluan ng kunting jokes tapos nasundan ng talent portion, then Q & A. "If you will be the winner of this pageant what would be your biggest role in this school and why?" tanong nung isang judge sa isang candidate. ( A/N: kayo, ano magiging role nyo if kayo Manalo, kunyare. Comment below.) Sinagot naman yun ng candidates with all her heart. Yung iba nakasagot may iba namang natatameme. Pagkatapos ng halos apat na oras, natapos din yun pageant, itinanghal na yung nanalo. "And the lucky candidate that will be crowning off as Mr. and Miss Campus this year is... Tumunog ang isang music para sa pagpapabitin with matching drum roll pa. "Are non other than contestant number— contestant number 15 and 04!" kuda ko pagkatapos kong sabihin yong nanalo ay nilagyan na sila ng sash na may nakasulat na Mr. and Miss Campus 20** at sinuot na sa babae yung crown. Then sa lalaki naman is yung scepter o balintataw na dinadala ng mga wizard sa movie. As usual pagkatapos ng event is ecocongratulate na yung mga candidate tapos picture taking agad pati din ako kenocongratulate din dahil daw napakagaling ko pa ring maging host, ako naman todo ngiti lang at pasalamat, nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo kanina na kasali si Cedrick dun sa pagaent kaya ayun hindi man lang nakakuha ni kahit isang award buti nga sa kanya, blehh. "Teh! " tili ng dalawang maligno sa akin habang nagtatakbo papunta sa direksyon ko. "Congrats Pres., galing mo talagang kumuda walang kapawis-pawis, " sabi sa akin ni Centhia na halata sa mukha ang pagka amuse. "Syempre, ano pa nga ba pero salamat," tugon ko sa kanya. "Pero teh galing mo sa part na yun ah, luluhod na talaga ako sayo, " sabi naman ni Kenny. "Tche, parati ka ngang lumuluhod tuwing gabi eh, " sabat naman ni Centhia. "Heh, manahimik ka jang butiki ka, if I know ikaw tong masyadong maraming side line tuwing gabi, " pang-aasar din ni Kenny kay Centhia. "Hoy! maghinay-hinay ka jan sa pinagsasabi mo ha, wala kang ebedensya, bakla ka, " sabi naman ni Centhia habang tinuturo si Kenny na halatang naasar. "Ako pa talaga tinawag mong bakla ah. eh mas mukha ka pa ngang bakla kaysa sa akin, paderma ka muna te bago ka manglait, baka maagapan pa malay mo diba, totoo pala talaga yung sinasabi nila na may himala, mabudbudan ka. " Pang-iirita ni Kenny sa kanya habang ako naman ay natatawa lang sa harapan nila, bahala sila jan. "Ikaw, sumusobra ka na ah! " sabi ni Cethia habang pasugod kay Kenny. "Oh bakit totoo naman ah, wala ka ngang curve eh, " asar pa ni Kenny "Abat—ikaw impakta ka, kakalbuhin talaga kita!" "Subukan mo at gagawin kong paa yang mukhang pwet na mukha mo." At pagkatapos ayon, nagbangayan sila ng nagbangayan, iniwan ko na lang bahala sila total titigil din naman yang mga yan mamaya. Paglabas ko ng garden nakita ko si Martin na naka-sandig sa pader mukhang may hinihintay yata. "Oh nandito ka pa pala, akala ko umalis ka na. Sinong hinihintay mo?" sunod-sunod kung tanong sa kanya. Bakit ba eh sa gusto ko eh. "Ah, wala hinihintay talaga kita para sabay na tayong umuwi, " sabi nya na nagpataka sa akin. "Huh? Diba magkaiba naman tayo ng daan pauwi?" tanong ko. "Hindi na, dahil— "SIMULA NGAYON, DUN NA AKO SA BOARDING HOUSE MO TITIRA"   Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD