Chapter 05

1140 Words
YOHAN’s POV "Ako yung bagong kaboardmate mo." Ano daw!? Bakit ba masyadong mahilig sa shocking waves tong lalaking to? Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na kailangan nya akong bantayan tapos ngayon meron na naman, magkasama na naman kami sa iisang bubong, my god, yung totoo, masyado ba talagang delikado yung buhay ko para bantayan ako ng todong-todo, ang malala pa kailangan pang pati sa bahay eh nandon sya, nakakaembyerna na to ah. "Teyka nga" —pagkasabi ko nun eh tumigil sya sa paglalakad— "anu bang trip mo/nyo at kailangan mo pa akong bantayan, ano bang meron sa akin at kailangan my bodyguard talaga. " As far as I know walang paki sa akin ang auntie ko except nga lang sa financial na binibigay nya sa akin dahil kung hindi nya ako bibigyan kukunin ng bangko ang pera at it.turn over sa akin pero aside doon wala naman akong natatandaang may paki sa akin para bigyan ako ng tulad mong bodyguard." Mataas kong kuda sa kanya sa pagalit na tono. "Basta sinabi ko na sa'yo na kapag naglabing-walong taon ka na doon mo lang malalaman lahat," sagot nya. "Ba't kasi hindi na lang ngayon sabihin para paunti-unti kong maintindihan, wala ka bang tiwala sa akin, matalino naman ako ah— "Saka bakit pagka 18 ko pa dapat malaman ano yan may napatay ba ako ng hindi ko nalalaman tapos kapag nag 18 na ako pwede na akong ikulong, tapos nandito ka para hindi ako makatakas?" kuda ko na medyo irita pa rin, medyo nahihingal na ko sa pinag-sasabi ko ah. "Huwag kang mag-alala, wala kang nagawang kasalanan at mas lalong hindi ka nakapatay kaya wag kang masyadong paranoid at magsisigaw dito dahil nakakatawag ka na ng pansin, isipin pa nila magjowa tayo tapos inaaway kita." Namula naman ako dun sa sinabi nya at tumingin sa paligid tama nga sya nakatingin na nga sa amin yung mga tao mayroon pa ngang nagbubulungan. "Ok ganito na lang bibigyan kita ng clue kung ano yun para hindi ka na mag-isip ng masama. Ok ba yun?" Tumango ako at parang bata na napaamo ng kanyang ama. Umupo kami doon sa malaking bato na malapit at saka sya nagpatuloy sa pagsasalita "Kagaya nga ng sinabi ko sayo nandito ako para bantayan at gabayan ka, hindi dahil may ginawa kang masama kundi importante ka at sayo nakasalalay ang hinaharap ng nakararami, may kaya kang gawin na hindi kayang gawin ng iba. May kakayahan kang hindi kayang taglayin ng iba, ikaw at ang iyong kakayahan ang pwedeng makapagligtas sa hinaharap kailangan kang alagaan upang hindi masira ang hinaharap at ang balanse ng mga bagay-bagay, ikaw din ang nakatalaga upang maging susunod na nagapagligtas ng lahat" ... Processing... Processing... Loading Please wait... 30% 50% 80% CONTEXTUALIZING - 100% Ok, hingang malalim tapos Buga. Enhale, exhale... Wala akong ibang reaksyon kundi pagkashock, letche tong lalaking to pinapalito lang ako masyado eh, bwesit. "Akala ko ba clue, eh bakit pinapagulo mo pa yata yung isip ko, saka ano yung hinaharap thingy nayon, ako ang magliligtas? Niloloko mo ba ako eh parang tulog ka yata eh, at nasa fantasy dreamland ka! nakahithit ka ba at kung ano-ano na yang pinagsasabi mo? embes na ipa-intindi mo pa sa akin mas lalo mo lang akong dinidiin, kaembyerna ka." Galit na talaga ako mga bes, galit na galit na ako "Tingnan mo? Kaya hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ngayon dahil mas lalo ka lang maguguluhan." "Buti alam mo." "Dahil wala pa akong ibedensya para maniwala ka sa mga sasabihin ko kaya mas makakabuti sa'yo na wag ka na lang munang mag-isip tungkol jan sa bagay na yan para hindi ka mabaliw," sabi nya. "Aba mabuti naman at may care ka pa rin pala sa akin, pero sige as you wish hindi ko na lang iisipin yun at maghihintay na lang ako jan sa sinasabi mong pagka 18th birthday ko. " Huli kong sabi saka umalis nang hindi sya nililingon. Pagdating ko sa bahay ay humiga na ako kaagad sa aking kama ng hindi man lang nagbibihis dahil napagod talaga ako physically tired dahil sa event at mentally tired dahil sa pinagsasabi ng Martin na yun kanina. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog. - - - Paggising ko kina-umagahan ay nagulat ako hindi dahil mas gumanda pa ako dahil sanay na ako nyan kundi dahil iba na yung bihis ko at nakakumot na rin ako na sa pagkakaalam ko hindi naman ako nagkumot kagabi. Anyari? Nagkikilos ba ako nang natutulog yung diwa ko? Tiningnan ko rin yung panloob ko iba na rin yung suot ko sa loob. Ok another weird thingy again. Pagpunta ko sa kusina ay nagulat naman ako dahil may nakahanda ng pagkain. Imposible namang nakapagluto ako ng ganitong putahe kung tulog yung diwa ko. Bigla kong na-isip si Martin at yung sinabi nyang dito na daw sya uuwi. Agad akong tumakbong pabalik sa kwarto at tiningnan yung katabi kong kama tiningnan ko yung cabinet at my ghad tama nga yung hinala ko. May mga gamit kasi ng lalaki dito kaya alam kong sa kanya to sa amoy pa lang, kung ganon nakita na nya lahat lahat sa akin, my ghad tulong-tulong help-help yung puri ko pinagsamantalahan ng isang estranghero. Paano na yan, hindi ba talaga sya nagdalawang isip na bihisan ako at pati under wear ko binihisan din nya, hindi na ako virgin ng 100 % , 98% na lang. May iba ng nakahawak ng pinaka-iingatan kong katawan, patay sa'kin yang Martin na yan pag nakita ko sya. Pagdating ko sa skwelahan tumungo kaagad ako sa room namin, agad kong nakita si Martin na naka-upo doon sa hulihang bahagi ng silid. Agad ko syang kinompronta at tinawanan lang ako ng mokong letche talaga, sinabi lang nya sa akin na wala naman daw masama dahil parehas naman kaming lalaki at ang nakakagigil pa talaga humagalpak lang sya ng tawa dahil sa pagdadabog ko, tinakot ko syang ipapakulong dahil pinagsamantalahan nya ako, sinabi lang nyang wala daw syang pake wala naman daw akong ebedensya. *** Dumaan ang araw at linggo ay ganon pa rin ang sitwasyon pero syempre nag-iingat na ako hindi na ako natutulog ng hindi nagbibihis at nagkukumot dahil baka mangyari na naman yung insedenting iyon. Ganun pa rin ang set-up ko matapos gumising ay deretso na kaagad sa school pero yung nag-iba lang is kasa-kasama ko palagi si Martin kahit saan man ako magpunta lagi syang nakabuntot, minsan nga napagkamalan pa kaming magjowa pero ang mokong sinasakyan pa may paakbay-akbay pang nalalaman sarap talagang bayagan nito. Mabilis na dumating yung desperas ng kaarawan ko ang sabi sa akin ni Martin wag daw akong lumabas ng bahay dahil hindi pa nya eksaktong alam kung ano talaga ang mangyayari sa akin kapag dumating na ang ika-18 na kaarawan ko, buti na lang at wala masyadong importanteng bagay ang gagawin ko sa school, nag excuse na rin ako kay ma'am sinabi ko na lang na mag a-out of town kami ng auntie ko para hindi na magduda si ma'am. Ngunit hindi ko pala talaga inaasahan ang nangyari sa akin, nang dumating na ang araw ng kaarawan ko. Itutuloy... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD