Chapter 06

648 Words
YOHAN’s POV Giniginaw ako pero kapag hinahawakan ko yung katawan ko parang nagbabaga dahil sa init nakakapaso. Hindi ko rin alam pero masyado ng basa yung sahig pati na rin yung kama kong hinihigaan, siguro dahil ito sa pawis at luha ko pero grabe naman yata yung rami ng tubig na lumalabas sa katawan ko. Sobrang masakit din yung katawan ko at parang binibiyak yung ulo ko dahil sa masakit din ito. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Martin sa akin na nasa gilid ko at ang nagsisilbing katulong ko. "Mukha ba?! " pamimilosopo ko sa mahinang tono. Nakita na ngang nakahiga lang ako at namimilipit na sa sakit magtatanong pa ng ganon, buang lang? Kaloka. "Indahin mo lang yung sakit at mamaya pagkatapos ng isang oras o dalawa mawawala na rin yan." Ano?! isang oras pa, dalawa! Kaloka isang oras na nga akong nagtitiis dito tapos dadagdagan pa ng isa pang oras, jusko di ko na kere. "Ano ba k-kasi, nangyayari sa a-akin? " sabi ko "Sa totoo lang pati ako ay hindi alam ang nangyayari sa'yo. Akala ko kasi normal lang na page-evolve yung mangyayari sa'yo yun pala ganyan yung totoong mangyayari." "Eh, bakit hindi ka kasi nag-aral tungkol sa akin yan tuloy ako pa tong na-aagrabyado, " sabi ko sa kanya, bigla naman syang natahimik kaya nagpatuloy ako. "P-pag ako namatay, mu-multuhin talaga k-kita, " nanginginig pa rin akong nagmamaktol sa kanya. "Sige, pero sigurado naman akong hindi ka mamamatay, dahil alam kong hindi ka pababayaan ni Vishnu lalo pa't ikaw ang susunod na ilinahad," sagot nya. "S-sino si Vishnu at A-anong Ilinahad?" "Si Vishnu ay ang bathala ng mga Mimician, at yung ilinahad ikaw yun.... kaya ka tinawag na ilinahad dahil sa'yo nakasalalay ang kinabukasan ng sangkalawakan, " sagot nya, weird na talaga ito ng bonggang-bongga. "Sino ba yung mga mimician?" tanong ko ulit. "Yung mga mimician ay yung mga taong nakatira sa planetang Mimic, milyon-milyong kilometro ang layo dito sa planeta nyo at nabibilang ako sa kanila, isa rin akong mimician." Kunyare naniniwala ako kaya sasabayan ko na lang yung trip ng lalaking ito. "So paano ka nakarating dito kung ganon kalayo yung planet keme nyo sa amin at kailan kapa bumyahe papunta dito galing doon?" "Nung isang buwan lang, unang araw bago tayo unang nagkita— (A/n: Yung dun sa hallway), at kaya dahil madali kaming nakarating dito sapagkat yung ginamit naming sasakyan ay mas makabago ng sampong beses kumpara sa inyo at dahil na din dumaan kami sa worm hole kaya madali lang." So kunyare naniniwala ako ulit. "Ano sabi mo? namin so hindi ka lang pala nag-iisa na pumunta dito?" Todo na natin yung pagpapaka uto-uto, malay nyo may deperensya pala tong lalaking to tapos para hindi lumala kailangan ko na lang sabayan yung mga pinagsasabi nya, sayang kung may saltik sya gwapo pa naman. Tumango lang sya bilang sagot napa ahhh lang naman ako. "Mukhang alam ko na kaya ganyan yung nangyayari sa'yo, " bigla nyang sabi matapos ang isang minutong katahimikan. "Ano?" excited kong tanong. "Dahil ikaw ang ilinahad—" Ayan na naman siya sa ilinahad na yan "May kapangyarihan ka ng apat na elemento ng kalikasan." Napakunot lang ako ng noo. "Ang tubig , apoy , hangin at lupa. Kaya yung nangyayari sayo ngayon ay parang kumakatawan sa apat, yung panglalamig mo ay dahil sa pinaghalong reaksyon ng tubig at hangin, yung masyadong pag-iinit ng katawan mo ay dahil sa apoy tapos kaya masyadong basa itong kwarto dahil sa sobra-sobra at hindi nauubos na tubig sa katawan mo at dahil din sobrang masakit yung katawan mo dahil sa reaksyon din ng lupa sa katawan mo." Tapos na ba sya, dahil kung oo matutulog na ako ulit, hindi ko na talaga kaya sasabog na yung utak ko sa pinagsasabi nya. "Okay? Pwede mamaya mo na lang yan tapusin kasi parang sasabog na yung utak ko dahil dyan sa mga kalokohan mo eh, " sabi ko at biglang nagtalokbong ng kumot. "Hindi kita niloloko—" huli kong narinig galing sa kanya bago pumikit at pinilit na makatulog kahit na masakit pa rin yung ulo at katawan ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD