Chapter 07

989 Words
Yohan’s POV Mga bandang alas tres (3) ng hapon na ako nagising, pinakiramdaman ko yung katawan ko. Pansin ko na hindi na masakit yung ulo ko at hindi na rin ako masyadong mainit, napansin ko rin na hindi na ako pinagpapawisan ng kayrami-raming butil ng tubig at nang tingnan ko yung kama ko, nakakapagtaka na hindi na ito basa pati na rin yung sahig. Tumayo ako at nagmamadaling tumungo sa may salamin upang tingnan ang sarili ko. Hinawakan ko yung bawat parte ng aking mukha na animo'y sinusuri ito ng mabuti. "Bakit ganun, bakit parang nag-iba yata ang kulay ng mukha ko, hindi naman ako maputi noon ah, pero bakit ngayon ganito na ito?" Sabi ko sa aking sarili matapos ko itong matitigang mabuti. Tiningnan ko yung mata ko, pansin kong nag-iiba ang kulay nito, minsan nagiging Pula tapos mag-iiba na naman magiging kulay asul, tapos kulay puti tapos bigla na namang magbabago magiging kulay kayumangi na naman, napabalikwas ako dahil sa aking napuna sa aking mukha. "Anong kababalaghan ba ang nangyayari sa akin. Juice colored, magugunaw na ba ang mundo at ito ang way mo para magwarn, ayaw ko pa masyado pa akong virgin para mamatay,, pwede tumikim muna kahit si Martin lang kere na" Landiiiiiiiiii! Kinapa ko yung katawan ko simula sa leeg hanggang sa balakang, kapansin-pansin na kapag hinihipo ko yung isang parte ng katawan ko ay nag-iilaw ito, umiilaw ito ng ng klase-klaseng maliliit na butil ng kulay. "Anyare!!!? Kaloka na to ah, di ko na kere. May sakit na ba ako? Leukemia, tuberculosis ,cancer, dengue? ahhhhhhhhhh! mababaliw na ako, " sigaw ko sa matinis na tinig . "Anong nangyayari dito! " sigaw ni Martin nang makapasok sya sa kwarto namin....chakkks.!!! kwarto talaga namin..feel ko eh. Nang makapasok sya mula sa pagbalibag nya ng malakas sa pinto ay lumapit sya sa akin ng may pag-aalala at saka tiningnan ng mabuti ang buo kong katawan waring sinusuri kung may nangyari ba dito. "Bakit ako nagkakaganito? I mean bakit nag-iiba yung kulay ko, yung kulay ng mata ko pati na rin yung kulay ng katawan ko kapag hinahawakan ko ito?" kuda ko. Sumilay ang pagtataka sa kanyang mukha at sinuri ulit yung buo kong katawan. Napaka awkward ng tinginan nya ah. "Huh. Anong pinagsasabi mo eh wala namang nag-iba sayo ah, anong mata, anong kulay eh wala naman ah, " sabi nya. So ibig sabihin ako lang pala nakakakita ng mga reaksyong yun ng aking katawan o baka naman guni-guni ko lang iyon pero hindi eh para talagang totoo "Hayst bahala na nga, hali ka may ipapakita ako sa'yo" at hinablot ko yung kamay nya, napansin ko rin na may kulay kahel(orange) na naman na lumabas doon sa kamay nya na hinawakan ko. Ano na naman bang kahulugan nito. Baka hindi nya rin ito nakikita, at ako lang ang tanging nakakapuna nito. Dinala ko sya sa kama at ipinakita yung sahig at kama na ngayon ay tuyo na. "Nakakapagtaka naman ito. Paano ito na tuyo ng ganon lang kabilis samantalang kanina lang ay napakabasa nito? " Sabi nya matapos mapansin yung kaninang basang sahig at kama na tuyo na ngayon. "Ewan ko nga rin eh, kanina pag-gising ko ganito na ito. Tsaka yun din sinasabi ko na nag-iiba ang kulay ng mata ko pati na rin yung katawan ko eh isa din yun sa pinagtakahan ko," sabi ko sa kanya. "Marahil ay lumabas na nga ang totoo mong kapangyarihan, teka may kukunin lang akong libro tyak na makakatulong iyon sa atin, hindi ko pa kasi iyon nababasa simula ng ibigay iyon ng panginoon sa akin. Yung alam ko lang ay mga simpleng detalye tungkol sayo," pinabayaan ko na lang sya sa kanyang gagawin. Pagbalik nya, may dala na syang libro, medyo makapal sya tapos luma na base dun sa mukha nya at sa cover na may sira parang matagal ng hindi binabasa.   Kahit na luma na yung libro ay maganda parin yung pagkakadesenyo nya. "Oh ikaw na magbasa para ikaw na rin ang makatuklas ng totoo sa sarili mo, " sabi nya sabay bigay nung libro. Nagtataka man ay tinanggap ko pa rin ito malay ko ba baka totoo nga yung mga pinagsasabi nya lalo pa ngayon na may mga kakaibang nangyayari sa akin. Saka hindi naman talaga malayong mangyari yun naniniwala naman talaga ako sa mga power power keme na yan kahit papano, kaso lang nagdadalawang isip ako syempre noon yun nung bata pa ako pero syempre habang nagdadalaga ako (oh, walang kokontra) ay iba na. pero parang totoo nga yung mga ipinaglalaban ng mga alchemy that 'Penny can turn into gold' . Alam nyo yun natutunan ko yan sa klase namin sa Physics. Pumunta ako sa kama ko at sinimulang buklatin yung libro, pagbukas ko sa unang pahina wala akong makita, akala ko nung una may magic ito na katulad sa mga movies na makikita lang yung nakasulat kapag may sinabeng mahiwagang salita pero hindi pala, blanko lang talaga kasi pagbuklat ko dun sa ikalawang pahina nandun yung table of content, taray parang ordinary book lang pala sya. Nakasulat doon yung lahat ng nilalaman ng libro, may nakasulat doon kung— -Kailan lalabas ang kapangyarihan ng ilinahad -Anong mangyayari sa kanya pagdating ng araw na iyon. -Anong kapangyarihan ang meron ang isang Ilinahad. -Paano sya magiging malakas -Nakaraan ng mga ilinahad -Paano sya naging ilinahad Marami pa yun pero hindi ko na lang muna binasa marami pa namang oras para doon. Una kong tiningnan ang nilalaman ay yung ano ang mangyayari sa ilinahad sa oras ng kanyang page-evolve. At tama nga ang hinala ko, ganun na ganun din yung nangyari sa akin simula doon sa nilagnat ako ng bonggang-bongga at pati na rin doon sa mga kulay na lumalabas sa katawan ko. Ibig sabihin totoo lahat ng sinasabi ni Martin tungkol sa akin. Hindi nga sya nagbibiro at mas lalong hindi nya rin ako niloloko. Tiningnan ko sya na nakatayo lang sa harapan ko. "Pero bakit kapag hinahawakan kita may lumalabas din sa katawan mo na kulay kahil na usok. Anong ibig sabihin nun?" sabi ko sa kanya, bigla naman syang nagulat na nanlalaki ang mata dahil sa sinabi ko, may mali ba akong nasabi? Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD