YOHAN’s POV Inulit ko pa ng inulit ang ginagawa ko kanina ngunit parehas parin ng dati, wala pa ring nangyayari para bang hinihigop lang nito ang kuryenteng aking pinapakawalan. Nagconcentrate ako, muli kong dinama ang kapangyarihang bumabalot sa akin, sa pagkakataong ito sisiguraduhin kong kaya kong wasakin kahit isa lang sa napakaraming ipo-ipong ito, kailangan kong makagawa ng isang kidlat na kayang makawasak ng isang buong lungsod sa isang hagupit lamang. Sa muling pagdilat ng aking mata ay muli na naman akong nakakita ng isang bolang enerheya sa harapan ko, ngunit hindi ito kagaya ng dati, ito ay naglalabas ng kakaibang init at nag-iiba ng kulay at doble ang laki nito keysa kanina, muli itong bumulusok paitaas at habang unti-unti itong nilalamon ng kalangitan ay naglalabas ito ng m

