YOHAN’s POV Dahil nga hindi ako nakapag-tanong kanina kay bathalang Gaeo ay nandito ako ngayon naglalakad at hinahayaan ang mga paa ko kung saan man ako dalhin ng mga ito, sinubukan ko kaninang muling pumasok sa bundok ngunit pag-lingon ko ay tanging malawak na lamang na damuhan ang nakikita ko, siguro ay nag-iba na ng pwesto o hindi naman ay itinago nya ang bundok na ito. Medyo madilim na rin nung ako'y itinapon palabas ni Gaeo kanina kaya nakakaramdam na ako ng gutom plus samahan pa na ang pagkaing dala ko ay nakalimutan ko sa kwebang yun. Wala ako nitong kakainin ngayon. But wait, dahil mukhang dininig ng kung sino mang bathala ang panalangin ng tyan ko, dahil dinala ako ng mga yapak ko sa isang puno na hitik sa bunga ng mansanas, bigla agad nagliwanag ang mukha ko ng makita ko an

