YOHAN’s POV Siguro ay mga sampung oras ko na ring tinatahak ang napakadilim na daan na ito pababa ngunit wala pa rin akong nakikitang dulo nito, kung hindi lupa ay mga bato lamang ang nakikita ko sa paligid, ngunit kahit na ganon ay hindi pa rin ako tumitigil sa pagbaba hanggang sa... Nakakita ako ng parang mga tubig na lumalabas galing sa mga gilid nitong bulkang aking dinadaanan ngayon. Dala ng kyuryosidad ay nilapitan ko ito, sa aking paglapit dito ay lubos ko itong nakita, kagaya ito ng likidong nakita ko sa itaas, kulay itim at sa tingin pa lang ay malalaman mo na talaga na ito ay malapot. Sinundan ko ang dinadaluyan ng likido kung saan ito patungo, pag tingin ko sa ibaba ay doon ko nakita ang napakalawak na lawa na puno ng likidong itim, kagaya ng sa taas ay naglalabas din ito ng u

