YOHAN’s POV Pagkatapos kong magpaalam sa bathala na si Amodria ay kaagad na akong nagtungo para puntahan ang sinasabi nyang kinalulugaran ni Gaeo, ang bathala ng lupa. Kinakabahan man dahil sa posibleng kakaharapin kong panganib ay ipinagpatuloy ko pa rin ang aking paglipad. Sa di kalayuan ay nakikita ko na ang dalampasigan, sa unahan din nito ay makikita ang tatlong naglalakihang bundok. Muli ko namang naalala ang sinabi nya sa akin kanina. "Kailangan mo munang matunton ang lugar ni Gaeo, ang bathala ng lupa, na makikita sa gitna ng pinakamataas na bundok dito sa Agonia. " Sa aking harapan ay nakatirik ang tatlong bundok, ang nasa gitna ay syang pinakamababa sa kanilang tatlo, sa kaliwa naman ay mataas ngunit mas mataas pa rin ang nasa kanan keysa sa kanya, sa tatlo din ay sya lamang

