"On behalf of Skylight Airlines and the entire crew, we would like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again. Have a nice day!" sabi ng Flight Stewardess. Niyugyog ko si Sandro. "Sandz!" Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang shades at kinusot ang kanyang mga mata. "Did we land already?" tanong niya. Tumango ako. "Oo. Halika na!" Sinalubong kami ng driver ng El Maniego pagkalabas namin ng airport. Bago kasi kami uuwi ay dadaan muna kami sa main office para kausapin ang aming CEO. Tahimik lang si Sandro. Halatang inaantok pa at may jetlag. Napatitig nalang ako sa matataas na building na nadadaanan namin. Wala naman masyadong nagbago sa Manila at gano'n pa rin kahaba at kabagal ang traffic. Pagkarating namin sa El Manie

