"Hello Ma? Kumusta na po kayo?" "Daphne anak! Naku kang bata ka! Halos isang linggo kana naming tinatawagan don sa numero mo pero out of coverage ka. Ano bang nangyari saiyo? Alalang-alala kami ng papa at lola mo alam mo ba iyon?" Nakahinga ako ng maluwag at napangiti sa boses ni Mama. Mahigit isang linggo ko kasing hindi sila na contact buhat narin ng masyado kong nawili ang sarili ko sa pagbabakasyon namin ni Brix dito sa Palawan. "Mabuti po ako Ma. Pasensya na hindi ko kayo agad na contact, masyadong busy lang po sa trabaho," pagdadahilan ko nalang. Ayaw ko kasing gulatin sila sa balitang nagkabalikan na kami ni Brix. Kailangan ko iyong sabihin sa kanila sa personal para narin makapag paliwanag ako ng maayos. Baka kasi, hindi sila sumang ayon sa desisyon kong ito. Nasaktan rin sila n

