Kinaumagahan ay hindi nagdalawang-isip si Skye na puntahan sa pinagta-trabahuan nito si Ace pero sa pagkadismaya niya ay wala na daw doon ang binata. She was worried with him, tulad ng worried siya sa magiging role nito sa buhay ng pamilya ng asawa niya. She tried asking for his address pero confidential ang information ng staff kahit sabihing wala na ito doon. Sa kabila ng pag-iisip sa impormasyong nalalaman ay naging makulay parin ang mga sumunod na araw para kay Skye. Sa natitirang mga pasok bago ang semestral break ay sabay silang umaalis mag-asawa sa bahay. Naging regular customer narin sila sa starbucks na pinagbibilhan ng kape. "Good morning sa kasing sweet ng caramel macchiato na couple na kakilala ko." Nakangiting bati ng cashier pagkalapit nila. "Mas sweet pa ang asawa ko ka

