Bago umuwi ay sinubukan niyang kausapin ang father in law ng palihim pero hindi na siya tinantanan ni Arthur. "Hayaan natin siyang makapag-pahinga. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ng lalaking yun pero biglang naninikip ang dibdib ni papa. He doesn't have heart problem kaya nakakapagtaka ang nangyari sa kanya. We have to find that man at komprontahin." Napatda siya. Paano kung sabihin ni Ace sa mga ito kung sino ito. Magkakagulo ang buong pamilya ng asawa niya. "B-Baka na-shock lang si papa, Arthur. Hindi naman siguro kailangang palakihin pa ang issue." "Do you know him? I saw you talking to one of the staff. Baka kako kilala mo ang nakasama ni papa sa kusina." That means hindi napansin ni Arthur kung sino ang sinundan niya. "H-Hindi ko siya personal na kilala. A-Akala ko la

