Chapter VI: Hotheaded

2341 Words
Hindi birong sermon at insulto ang natanggap ni Skye mula sa ama habang nasa living room ang mag-anak. Idagdag pa ang condemning look na ipinipukol ni Sunshine nang mapag-alaman nitong si Arthur Martinez ang lalaking involved. Lahat iyon ay maluwag niyang tinanggap. Kasalanan naman kasi talaga niya ang nangyari, and she's very much willing to take reaponsibility. Masakit mang isipin pero ang labas ay talagang parang inakit niya si Arthur. "Tawagan mo si Aurora Martinez Rose and settle this matter with her. Siguradong aakuin niya ang kasalanang tinakasan ng anak niya." Mariing utos ni Ramon sa asawa. Umahon ang pagtutol sa mukha ni Skye sa narinig. "M-mom, no please!"  Alam niyang may simpatya ang ina sa kanya pero hindi nito kayang tanggihan ang utos ng ama. Tumayo ang ginang at tinungo ang telepono. Naalarma ang dalaga. Kapag nalaman ng mag-asawang Martinez ang nangyari'y pipilitin ng mga ito ang anak. Malaki ang respeto ni Aurora Martinez sa ama niya at maiisasantabi nito ang damdamin ng anak maibalik lang diumano ang nasirang puri niya. Kapag nangyari iyon ay masusuklam sa kanya si Arthur. Hindi pa niya nakitang nagalit ang binata pero hindi nais ni Skye na mai-imagine man lang yun.  Nilingon niya ang kanyang ate Sophia, but she looked away. Habang nakayakap sa isang binti ang magda-dalawang taon na anak nito na matamang pinaglilipat-lipat ang mata sa kanilang lahat. Lakas-loob na tumayo si Skye at nilapitan ang ina. Hinawakan ang kamay na may hawak ng telepono saka umiling. "S-Stop that mommy mapapahiya lng po kayo." Nabitin ang dapat ay pag-hello ng ina. "Dahil... dahil inakit ko lang si Arthur." Nakagat niya ang pang-ibabanh labi nang makita ang disappointment sa mukha ng lahat. Lalong dumilim ang mukha ni Ramon, si Sunshine at Sophia ay hindi napigilang mapasinghap.  Galit na tumayo si Ramon, nilapitan ang bunsong anak at iniumang ang kamay na nabitin sa ere. Nangilid ang luha sa mga mata ni Skye pero pilit iyung pinigilan. "S-sige daddy ituloy niyo po. Y-You've been wanting to hit me right? Naghihintay lang kayo ng tamang pagkakataon para parusahan ako sa lahat ng mga pagkakamali ko." Hindi napigilang sumbat niya. She had been keeping all this resentment towards him. Bumaba-taas ang dibdib ng daddy niya ngunit hindi siya nag-worry. Wala siyang alam na sakit nito dahil maging sa pagkain ay disiplinado ang ama. "You, ungrateful child! Wala ka ng ibinigay sa amin kundi sama ng loob at ngayon nama'y kahihiyan." Dumagundong ang boses ni Ramon sa buong bahay at halos mapatid ang ugat nito sa leeg sa sobrang galit. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Her entire body is aching, naguguluhan ang utak niya at isama pa mga insultong natatanggap mula sa pamilya. How she wished she’ll  just disappear. She totally deserved to. "G-Ganyan naman po kayo palagi daddy, wala na kayong alam na gumawa ng mabuti sa bahay na ito kundi si ate Sunshine. Lahat ng ginagawa ko'y puro pagkakamali nalang." "Abat-" muli nitong iniumang ang kamay ngunit pinigilan ito ni Rose na nasa malapit. "Ramon!" Bahagyang tumaas na rin ang tinig ng ginang at bumaling sa bunsong anak. "You don't answer your father like that Skye." "Naiinis na ako sa walang katapusang pagiging strikto ninyo. But ate Sunshine can do whatever she wants." She complained at hindi napigilang pumatak ang ilang butil ng luha sa mga mata at napahikbi. "Itigil mo na ang pagsagot mo Skye. Hindi mo ba alam na kabastusan ang ginagawa mo? Now you are involving me sa isang bagay na ikaw mismo ang gumawa." Turan ng panaganay sa kalmadong tinig pero halatang galit na rin ang ibinabadya ng mukha.  "Whatever ate, hindi parin ako magpapakasal kung iyan ang gusto ninyo." Bumaling siya sa ama at lakas loob na sinalubong ang mata nito. "K-Kahit palayasin niyo pa ako." Inunahan na niya ang dad niya dahil iyon naman talaga ang panakot nito sa tuwing hindi sila sumusunod sa nais nito. Like what she did to Sophia. Kaya ito napilitang sundin ang nais ng ama at itago ang pagbubuntis nito noon sa America before she even graduate from college. Tiniis ng ate niya ang halos dalawang taon bago maiuwi ang sariling anak at ipakilalang anak ng malayong pinsan. Just because Sophia refused to say anything about the father of her child. Lalong nagdilim ang mukha ni Ramon ats a kalmadong tinig ay nagsalita. "Umalis ka sa pamamahaay ko ngayon din!" "Ramon please. She's just eighteen ." Paala ni Rose sa asawa. "At kasalukuyang nag-aaral." Tinitigan ang anak sa naniningkit na mata. "Kakayanin ng anak mo ang mabuhay mag-isa tulad ng paghahamon niya. I just hope mapangatawan mo ang desisyon mo Skye. Dahil hindi ka maaring umapak sa bahay na ito hanggat hindi naibabangon ng lalaking iyon ang puri mo." Pagkasabi nun ay tinalikuran ni Ramon ang mag-iina nito at umakyat sa ikalawanhg palapag ng bahay. Strange, but as as Skye saw her father turned his back on her, instead of feeling free, she felt so lonely all of a sudden. And that reaction on his face, parang dinaganan ng malaking bato ang puso niya. She had hurted and offended his own father.  "Siguro'y masaya kana sa ginawa mo!" Sunshine accused. Hindi nakaligtas kay ang hatred sa mga mata nito.  Hindi niya pinansin ang pasaring ng nakatatandang kapatid at sa halip ay dumiretso sa hagdan at nagtuloy sa kwarto. Kinuha ang isang bagpack at naglagay ng damit. Pinili lang niya ang binili ng ina at ng sariling pera. Wala siyang dadalhin kahit anong bigay ng ama. Bitbit ang backpack at ang ibang gamit sa school lumabas siya ng silid. Pinigilan siya ni Rose. "Kakausapin ko ang daddy mo Skye. You don't have to go." "Mag-aaway lang kayo mommy."  "But you cannot live by yourself." Singit ni Sophia, halos mag-isang linya ang kilay sa pag-aalala sa nakababatang kapatid. "At paano ang pag-aaral mo?" "I'll try to go to Antie Ryza.” Ang binanggit ay ang kapatid ng ina na nanunuluyan sa isang apartment kasama ang dalawang anak nito. “Pahuhupain ko lang ang galit ni daddy. And please do not involve tita Aurora, mommy. Ayokong magkaroon kayo ng alitan dahil sa... sa nangyari sa amin ni Arthur.” "Nabigla lang si daddy Skye. We all are." Sandaling binalingan ni Sophia ang ina. "Tulad din ng... ng nangyari sa akin noon. Pero matatanggap niya rin. You just have to apologized on him."  Skye hopes so. Naging madali sa kanila ang pagtanggap sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sophia dahil sa anak nitong si Pipoy. Bukod sa taon ang inabot bago kausapin ni Ramon ang anak. Mataas ang pamantayan ng ama pagdating sa moralidad ng isang babae at kaya nitong tikisin ang anak para sa moralidad na sinabi nito. Nakikipagsabayan ang sakit ng damdamin sa sakit ng buong katawan na nilisan ni Skye ang tahanan ng mga Dela Vega habang nakatanaw ang mga kapitbahay sa kanya. At sa kabila ng sinabi ni Skye ay kinontak parin ni Rose ang malapit na kaibigan na si Aurora at sinabi ang nangyari. Labis-labis ang paghingi ng paumanhin ng ginang hindi pa man nakakaharap ang anak na si Arthur. Hindi naman mukhang galit ang kaibigan ngunit nais nitong ayusin ni Arthur ang gusot. Ayon kay Rose ay dali-dali daw umalis ang binata bago pa ito makompronta Ramon. Kaya naman sa mansyon ng mga Martinez ay galit na hinarap ng ginang ang anak.  "Eighteen years old Arthur, eighteen years old!" Nanggagalaiting sermon nito at nasapo ang sariling noo. Paroot-parito sa sala at hindi alam kung paano pagagalitan ang bente syete anyos na binata. Pero taliwas   sa akusasyon ni Rose, ayun kay Arthur ay pinaalis ito ng bunsong Dela Vega. "Kahit ipinagtabuyan ka ni Skye ay dapat nagpumilit kang manatili doon. I cannot imagine what Ramon did to his youngest daughter." Aurora stood still in front of her son and said firmly. "I want you to marry Skye Dela Vega."  Arthur on the other hand eyed his mother. "Ma, she's just eighteen years old." He qouted and empasized what Aurora had been ranting since he came home. "Sana'y naisip mo yan when you..." hindi naituloy ng ginang ang dapat na sabihin.  Marahas na huminga bago nagpatuloy. "Anak napahalaga para kay Ramon Dela Vega ang dignidad ng mga anak niya. Totoong hindi sila mayaman pero ang moralidad nila ang maipagmamalaki ng matandang yun. At ngayo'y binahiran mo ang isang anak niya. And of all people, si Skye pa talaga." Aurora rolled her eyes.  Arthur rested his head on the couch "Can't you do anything about it?”  Humalukipkip ang ginang. "Gusot mo ito hijo. And I've already warned you since Georgia's incident." Pinagdiinan ng ginang ang pangalang binanggit. "Ang sa akin lang ay ang pagsabihin ka upang walang masabi si Rose, you know she's been a good friend to me at ayokong malamatan ang matagal na naming pagkakaibigan dahil sa ginawa mo. Pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo. And as much as possible ay para sa ikatatahimik ng lahat ang susunod mong gagawin. Huwag mong hintaying dumating sa puntong ang papa mo ang magdesisyon at bigyan ka ng hindi matatanggihang proposisyon." Payo ni Aurora sa anak na halata sa mukha ang pagkabagabag. "What do you mean ma?" Hindi napigilang magsalubong ang kilay ng binata sa huling statement ng ina.  "You know what I mean Arthur . Wala akong karapatang pilitin ka sa isang bagay na hindi mo gusto. But you have to accept the consequence of your own action. This time I mean it, Arthur Jim!" Binanggit ang buong pangalan ng anak, palatandaang buminggo na ito." Ayokong ipinakot sayo ang tatanggalan ka ng mana or what, that is just so lame knowing that you don't even need our money because you have a good career. But I trust you that your responsible and mature enough para lusutan ang gusot na ito, by yourself." Ipinagdiinang muli ng ginang ang dalawang huling kataga, nangangahulugang hindi nito nais ma-involve pa sa gulo ng anak.  Hindi kumibo si Arthur at nanatiling nakatitig sa ginang. Ang totoo'y tungkol sa bagay na iyun ang gumugulo sa isip kahapon pa.  That's when Angela entered the house. Nagulat ito sa eksenang dinatnan kung saan nakaupo si Arthur sa sofa at nasa harap ang ina habang nakapa-mewang. The scene is so familiar na nagpa-atras sa dalaga pabalik sa main door. Nakasalubong niya sa pinto ang katipan na nakasunod dito.  Itinapat ang hintuturo sa bibig at imwinestra ang daan sa gilid ng bahay. Sa pavilion nalang sila tatambay magkasintahan habang senesermunan ng ina ang kuya niya.  Angela smiled to herself. Mukhang bumingo ang kuya niya. Ganoon ang eksena nilang magkakapatid kapag nakakagawa ng malaking kasalanan ang bawat isa. Na bahagyang dumalang nang magsilaki na silang magkakpatid. They used to have a thingking chair kung saan may kanya-kanyang silang stool. Pinapa-upo sila ng magulang doon para pagnilayin sa nagawang kasalanan. Her four brothers used to sit there when they were young. Pero nang magsilaki sila ay hinahayaan nalang sa loob ng library at hindi pwedeng lumabas hanggat hindi nagiging okay sa isat-isa.  At ang eksenang dinantnan kanina'y nagpabalik sa ala-ala ng kabataan. Muling nangiti si Angela.  "What is it?" takang tanong ni Hans na kanina pa napapansin ang lihim na pag-ngiti ng katipan.  Si Angela ay tumingala kay Hans at umiling. Yumakap sa bewang nito habang naglalakad ang dalawa. "I'm just happy."  "For what?"  "Because you are here. It's such a beautiful life." Malambing na sagot niya at bahagyang tumingkayad at binigyan ng mabilis na halik sa pisngi  ang katipan na ikinangiti ni Hans. Samantala, pagkatapos ng panenermon ng ina kay Arthur ay dumiretso na ang binata sa opisina. Naabutan siya ng malapit na katrabaho na si Marlon. Kasamahan niya ito sa construction company bilang isang contract engineer. "Kailangan ko pa bang tanungin kung ano ang tumatakbo sa isip mo o tama ang hula ko."  Nabulabog mula sa malalamin na pag-iisip si Arthur. Lumapit ito sa mesa at inilapag ang hawak na folder bago naupo sa silya sa harap. Mga papeles iyun para sa project na i-turn over sa kanya sa nalalapit na pag-alis nito papuntang Europe upang mag-bakasyon.  Ibinaba  ni Arthur ang dalawang paa mula sa pagkakataas sa mesa at umayos sa kinauupuang swivel chair. Nabanggit na niya rito ang gusot na kinasangkutan nang araw na mangyari iyun at labis-labis ang kantiyaw na inabot niya rito. As if facing the problem is not enough to give him headache. His mother surely can't persuade him into unwanted marriage pero kaya ba niyang pasakitan ito for the second time? Hindi pa nagtatagal ang insidente nang kausapin ng magulang ni Georgia ang ina. Aurora atleast considered his feelings at kahit papano'y tinulungan siyang maayos ang gusot. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Kahit anong isip niya ay ang pagpapaksal ang tanging sulosyon. At iyun ang nagpapasakit lalo ng ulo niya.  "Why don't you just marry her? Para tapus ang problema mo." Suhestyon nito. Bumadha ang pagka-disgusto sa mukha ni Arthur sa sinabi ng lalaki. He knew him well pagdating sa mga babae. At alam nitong wala sa bokabularyo niya ang salitang kasal. "Hindi ka nakakatulong." Nagkibit-balikat ito. "It's not as if my choice ka. Ewan ko ba sayo at sa dinami-rami ng babaeng umaaligid sayo, pumitas kapa talaga ng hindi pa hinog." Binuntunan nito ng tawa bago sumeryoso. "Magpakasal ka pero mag-set ka ng rules sa pagsasama niyo. Tapus ang usapan. Wala naman kayong relasyon ng Skye na ito hindi ba? I think my idea will work out dahil hindi siya tulad ni Georgia. Ito ay isang suhestyon lang naman mula sa akin, nasa sa iyo kung susundin mo." Nagsalubong ang kilay niya sa tinuran ng kaharap.  Bago pa makapagsalita itong muli ay biglang tumunog ang cellphone ni Arthur. Sandaling nag-alinlangan nang mabasa ang pangalan naka-rehistro sa screen. Bago ang gusot na kinasangkutan ay laman rin ng isip ang dating sekretarya niya na bigla nalang nag-resign ng walang abiso.  Tumayo siya at naglakad palapit sa glass window ng opisina saka sinagot ang tawag. Maliban sa simpleng hello ay wala ng sinabi pa si Arthur. Hinayaan niyang magsalita ang nasa kabilang linya. Napabuntong-hininga nalang siya nang ibaba ang cellphone bago muling bumalik sa kaninang kinauupuan.  Nasa mukha ni Marlon ang kuryosidad pero hindi ito nagsalita. Sandaling pinaglipat ang mata sa hawak na cellphone ni Arthur at sa binata mismo.  "Ano nga pala ulit ang sinasabi mo?" untag niya. Nais niyang marinig ang buong ideya nito sakaling wala na siyang choice Dagling bumalik ang ngiti sa labi ng kaharap at nag-umpisang isalaysalay ang ideyang pumasok sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD