Chapter VII: Uncertain

2315 Words
Speechless, Arthur stared at the woman in front of him for a moment. Pagkatapos ay sa aparatong nakalapag sa mesa ng restaurant kung saan niya kinita ang dating sekretarya. She hadn't seen Mia for more than of month now since she suddenly resigned. Sekretarya na niya ito mula nang mag-umpisa siya sa contsruction firm and they had developed an unusual friendship between a man and a woman na hindi niya akalaing posible.They were also the same age. Eto yung tipo ng babae na aakalain mong hindi kayang magalit. Soft-spoken at laging kalmado. So innocently pretty like anyone would want to protect her with his life. Well-reserved at laging naka-plano ang bawat dedisyon sa buhay. Pero iba ang ibinabadya ng mukha nito ngayon. Well ,maging siya ay ganoon din dahil sa ipinakita nito. "I shouldn't have contacted you after what I did. But I really don't know what to do Arthur..." saad nito sa walang katiyakang tinig. Pasimpleng umayos ng upo ang binata at bahagyang kinalma ang sarili saka muling tinignan ang dalawang pulang guhit sa aparato. Hindi siya pwedeng mag-panic. Sapat nang nakikita niya ang takot sa mukha ng dalaga. Nag-uunahan ang tanong sa isip niya pero hindi niya alam kung alin ang unang isasatinig. He doesn't want her to felt being judge. Or give her the feeling na nagkamali ito sa pag-contact sa kanya. Kahit papano'y may knowledge siya sa pagdadalantao ng isang babae. "Hindi pa ito alam sa amin... and I don't know how to tell them..." Gumaralgal ang tinig ni Mia at nagsimulang mamoo ang luha sa sulok ng mga mata. Nakuyom ni Arthur ang kamao. Ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Ang makakita ng babaeng umiiyak lalo na at personal niyang kilala ang babae. At kabisado niya ang magulang ni Mia. Kapag nalaman ng mga itong nabuntis ang nag-iisang anak na babaeng ipinagmamalaki ng mga ito outside marriage, they will surely get disappointed. At alam niyang iyun ang greatest fear ng dalaga na sa tuwina'y sinasabi nito sa kanya kaya hayagan ito sa pangbabara sa kanya noon.  Arthur tried to distract himself. He wanted to comfort her pero nag-alangan siya. The last time na ginawa niya iyun ay naging marupok siya. Sa totoo lang ay iyun ang weakness niya. Ang mga babaeng may inosenteng mukha, idagdag pa ang takot na naka-rehistro doon. Tulad ng nangyari kay Skye sa bar. Though he had always been amazed with her since she was young. Nang gabing iyun, sa unang pagkakataon ay nakita niya ang takot sa mukha ng dalagang dela Vega. She looked puzzled and betrayed that night. Naroon ang pakiramdam na nais niya itong ikulong sa bisig at sabihing 'everything will be okay'. "H-have you found another secretary?" alanganing tanong ni Mia sa pananahimik ng binata. Tumango si Arthur. "I still feel sorry for resigning so suddenly. Naguluhan lang ako." Sinabayan nito ng yuko ang sinabi. "Ano ang sabi sa inyo?" pag-iiba niya. Malungkot itong ngumiti. "Hindi pa ako nagsasabi sa kanila ng tungkol dito. Ang sabi ko'y nasa Davao tayo dahil may project ka dun." "You could've told me about it nang hindi nagre-resign Mia. Alam mong nakakaintindi ako." Hindi napigilang panunumbat ni Arthur sa kaharap. Sandali itong hindi nakasagot. Rumihistro ang pag-aalangan sa mukha. "Hindi pwedeng malaman sa opisina ang pagdadalang-tao ko..." Nagsalubong ang kilay ni Arthur nang mabasa ang pgdaan ng pagka-ilang sa mukha ng babae sa sinabi. May isang ideya ang biglang sumagi sa isip na agad binura. Wala siyang kilalang naging ka-relasyon ng dating sekretarya doon.  "Please Arthur, I will not ask for financial help or what. Nandito ako para humingi ng pabor. I have savings and all, kaya kong iluwal ang dinadala ko ng mag-isa. But pleas,  just incase they ask, maari mo bang hindi sabihin sa pamilya ko na nag-resign ako." Muli, maraming katanungan ang nagsalimbayan sa isip ng binata. Explanations and reasons kung bakit nagkaka-ganito ang dating staff. Pero pinigil niya ang sarili. Ayaw niyang dumagdag sa isipin nito bukod sa wala naman siyang karapatang i-question ang desisyon nito. He will have answers kapag handa na itong magsabi. Inabot niya ang kamay ni Mia na nakapatong sa ibabaw ng mesa at ginagap iyun. "You called the right person. Kahit hindi mo hingin ang tulong ko'y gagawin ko parin." Arthur smiled. Malungkot na ngumiti ang dalaga. Bahagyang umaliwalas ang mukha simula nang magkita ang dalawa. Pagkatapos kitain ang babae ay dumiretso si Arthur sa mansyon. Nahiling na sana’y hindi napansin ng kahit na sino ang hindi niya pag-uwi kagabi. Mula nang makabalik mula sa bakasyon ang magulang ay madalang na niyang nadalaw ang bahay na nabili, kaya naman doon siya tumuloy kagabi upang pag-isipan ang suhestyon ni Marlon.  They were not allowed to buy their own house hanggat hindi pa sila nakakasal kaya nang malaman iyun ng ina ay sobra ang naging galit nito. Isang mahigpit na bilin sa magkakapatid mula pagkabata ang bagbabawal ng pagbili ng sariling bahay. Though alam niyang ang ibang mga kapatid na lalaki ay lihim ring bumili ng kanya-kanyang flat. Aurora tried to streghten the family bond by making such rule na lately lang nilang kino-complain magkakapatid. Gusto ng ginang na umuuwi parin sila sa mansyon kahit na may kanya-kanya na silang mga career, para sa family bonding. Maging ang mag-asawa ay pinipilit rin makauwi ng maaga upang sabay-sabay kumain ng hapunan. Nadatnan niya ang ina at ang bunsong kapatid na si Angela na nagme-merienda sa lanai. Tangkang hahalik sa pisngi ng ina si Arthur ngunit nag-iwas ng mukha si Aurora. "Why still respect me gayong ni hindi mo magawang umuwi sa bahay na ito. Rule is still a rule Arthur." May bahid ng galit ang tinig ni Aurora at pinagsama ang fork at knife sa ibabae ng plato, senyales na tinatapos na nito ang pagkain. Dinampot ang table napkin at pinunasan ang sulok ng magkabilang bibig. Nabura ang ngiti sa labi ng binata at tangkang magsasalita ngunit inawat siya ng ginang ."I don't want to hear any reasons from you this time, son. Nabili mo na ang bahay yes, pero hindi mo pwedeng baliin ang panuntunang inilatag ng ama mo mga bata palang kayo...” Bumaling ang ginang sa anak na babae. " I will wait for you outside hija. Nais kong pumunta sa hotel upang maglibang." Nag-excuse at tumayo. Naiwan ang magkapatid. Nagkibit-balikat si Angela sa ikinilos ng ina. "You can't blame mom, she can't see her amigas dahil sa nangyari. " Pabalag na naupo si Arthur sa upuang binakante ng ina. Pinagsalin ni Angela ng juice ang kapatid na may pigil na ngiti sa labi. "We can't force you to do something you don't like, but I think mommy is right. You should take the consequence of your action kuya." Napaungol ang binata. "Hindi niya ginawang issue ang pagbili ko ng bahay nang una niyang malaman, why now?" "She did, pero nung time na iyun ay hindi kapa bumi-bingo."Angela joked and reminded him about Georgia's incident not even a month back. "Tell me kuya, Don't you have any feelings for this certain Skye dela Vega? Coz I think marriage is the only solution to your problem." Hindi agad nakasagot si Arthur sa tinuran ng kapatid. Well, she doesn't hate Skye, but marriage is not his thing. Kung may ibang solusyon ay ginawa na niya. Kung si Mia ay kaya niyang tulungan, bakit hindi si Skye. But marriage? Lihim na muling napaungol ang binata. Isa iyun mismo sa dahilan kaya siya nag-desisyong tuluyang hiwalayan ang dating kasintahang si Georgia bago ito mag-commit ng suicide. Nang maramdaman niyang nais na siya nitong taliin sa leeg ay tuluyan na niyang tinapos ang mahigit isang taon din nilang relasyon ng babae. Just thingking about marriage suffocates him to death. She likes his ex-girlfriend a lot lalo na at napunan nito ang pangangailangan niya bilang lalaki. But marriage? to her. No way! Para na rin niyang pinermahan ang death sentence niya. Pinutol ni Angela ang pag-iisip ni Arthur nang muli itong magsalita." You see, the dela Vega's are not rich but tita Rose is a famous member of the sorority group where mom belongs. Famous than our own mother. Hindi magiging maganda ang tingin nila kay mommy dahil sa nangyari kapag hindi mo pinanagutan ang ginawa mo.” "Agh! please give me a break Angela." Arthur complained at naihilamos ang palad sa mukha. Angela laughed with humor. "It's not so you kuya! Eighteen years old!" She exclaimed. "Binibigyan mo ako ng dahilan para kilalanin ang magiging sister-in-law kong hilaw." Pinaghalong worriedness at amusement sa nakikitang anyo ng kapatid. Arthur is a happy-go-lucky kind of person, pero sa tuwina'y nalulusutan nito ang mga gusot na kinasangkutan nito. Except this one. On the other hand, Arthur tried to ignore his sister's tease.Habang nakatitig sa mala-anghel na mukha ng kapatid ay biglang pumasok sa isip ang anyo ni Skye. Kung paano ito tumawa nang gabing iyun sa bar. Walang arte, she looked so pure and innocent. She doesn't hate her, just the idea of marriage. Ang totoo'y nais niya itong protektahan. At kung papayag lang ang dalaga'y sa plano niya ay siguraduhin niyang magiging maganda ang kinabukasan nito. If only she'll agree with the proposal he has in his mind. ****** Samantala, si Skye naman ay naghanap ng pansamantalang matutuluyan pagka-alis sa sariling tahanan. Ang sinabi niyang pagpunta niya sa tita Ryza niya ay hindi niya tinuloy. Hindi niya nais magpa-kargo dito dahil umaasa lang din ito sa asawang ofw. At nag-aaral din ang dalawang anak bukod pa sa maliit ang apartment na nirerentahan ng mga ito. Limited lang ang pera niya kaya nag-bed space nalang muna siya isang dorm na malapit sa pinapasukang university. Kailangan pa niya iyung i-budget wisely at baka magkaroon sila ng project sa mga darating na araw, bukod sa nalalapit na exam. Skye had never felt this uncertain. She wanted freedom yes! Pero bakit hindi niya maramdaman yung kalayaang nais niya. Bakit tila natatakot siya sa darating na bukas. It wasn't easy lalo at araw-araw na nababawasan ang perang nasa account niya. Puro labas at walang pumapasok. Natataon pang diretso ang mga naging projects nila sa eskwelahan. Kaya naman sinamantala ng dalaga ang kagustuhang maghanap ng part-time job. Uso naman yun sa isang college student at ilan sa mga kaklase ay napagsasabay ang pag-aaral at pagta-trabaho. Kaya naman malakas ang fighting spirit niyang kakayanin niya rin iyun. But it wasn't as easy as she thought it would be. Naupo siya sandali sa isang tabi upang magpahinga. Pinahid ang tigping pawis at ipinapay ang hawak na ilang pahina ng resume. Ilang araw na siyang nagpapasa sa mga kalapit na fastfood sa pinapa-sukang unibersidad ngunit hanggang ngayon ay wala paring tumatawag. Itinaas niya ang kamay at sinubukang takpan ang sinag ng araw na direktang tumatama sa mukha niya. Masyado niyang inisip na madali ang mamuhay mag-isa. As much as she wanted to go back ay hindi siya sigurado kung tatanggapin siya ng ama. Somehow, she missed her family, lalo na ang pamangking si Pipoy. He was her little angel. And her dad! Bumalik sa isip ang huling pagkikita nila. Naroon ang pamimigat ng dibdib. Hindi niya lang ito sinaktan, ipinahiya pa niya ito sa mga kapitbahay. May pinong kirot sa dibdib sa tuwing naiisip niya iyon. Skye doesn't hate her own father. Hindi niya lang maintindihan ang sobrang pagiging strikto nito. Tumingin siya sa relong pambisig. Kailangan na niyang umuwi upang tapusin ang school project. Isa siyang dean's lister at hindi niya pwedeng pabayaan ang isang bagay na siyang maipagmamalaki ng magulang tungkol sa kanya. Tumunog ang cellphone niya at binasa ang message na galing sa kaibigang si Kara. Tinatanong nito kung nasaan siya kaya sinabi niya ang ang tungko sa paghahanap niya ng part-time job. Again, she insisted to help tulad nang una nitong nalaman ang tungkol sa pagpapalayas sa kanya. And again, she refused. Kaya sunod-sunod na mensahe na naglalaman ng litanya ang natanggap niya mula rito. Kahit na ano kasing sabihin niya'y nagi-guilty ang kaibigan sa ginawang pa-iwan sa kanya nang gabing iyun. Na kung tutuusin ay isinalba lang naman siya nito nang makita ito ng pinsang katrabaho ni Sunshine mula sa labas ng bar. Gigil na gigil ito nang malaman ang tungkol kay Wilson. At kung hindi niya napigilan ang kaibigan ay nais nitong prangkahin ang binata sa university campus ngunit pinigilan niya ito. It will not change anything. Sandaling napatitig si Skye sa kawalan. Biglang pumasok sa isip si Arthur at ang isang ekena nang gabing may mangyari sa kanila. "Just tell me to stop Skye at kahit labag sa kalooban ko'y gagawin ko." Bulong ni Arthur in between biting her earlobe. He was breathing heavily and she shivered when she felt his warm breath on her skin. Arthur is giving her an option, a warning. Kanina pa umaalingawngaw ang red alert sa utak niya. Alam niyang bukas paggising niya'y pagsisihan niya ang magiging resulta. But will she stop him? Nang oras na yun ay mas nanaig ang isinisigaw ng utak at katawan. Ayaw niyang huminto ang binata sa ginagawang exploration ng kamay nito sa katawan niya. Hindi maintindihan ni Skye kung dahil sa nainom o talagang kabisado ni Arthur ang mga key spots na nagpapainit sa katawan niya. Mahinang ungol ang naging tugon ng dalaga na naging hudyat upang ipagpatuloy ni Arthur ang ginagawa. Kung paanong natanggal nang pareho ang mga suot nila'y hindi niya alam. Nothing else mattered at that particular moment. Let tomorrow take care of itself! Pinaghalong sama ng loob kay Wilson at sa sarili ang nag-udyok kay Skye na gawin ang hindi dapat. Dahil hinayaan niyang magsinungaling siya sa magulang pero sa bandang huli ay nalinlang lang pala siya ng ngayon ay dating kasintahan na. Ang isang bagay na ipinagkait niya kay Wilson ay ibinigay niya kay Arthur.  She was losing her mind. Ang ginagawang pagsamba ng kamay at labi ni Arthur sa kanya at ang epekto ng alak kaya naging madali para kay Skye ang mag-desisyon. Hinayaan niyang kusang tumugon ang sariling katawan na para itong may sariling isip sa ginagawa ng binata. She wanted him and needed him... "Do you still want me to go..." Naputol ang malalim na pag-iisip ni Skye at nag-angat ng mukha mula sa pagkakayuko. "A-Arthur?" gulat niyang bulalas kasabay ng pamumula dahil sa laman ng isip. "A-Anong ginagawa mo rito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD