Pabalik na sila sa mesa mula sa pagsasayaw nang may umagaw ng pansin ni Arthur. Pinasadahan ni Skye ang magandang babaeng nagniningning ang mga matang nakatitig sa asawa. "Ria! Kailan kapa nakabalik ng bansa?" Binitiwan ni Arthur ang asawa at humalik sa pisngi ng babae. "You were too busy to notice." Magiliw na sabi ng magandang babae at hindi itinago ang pag-ikot ng mata at nakahanda ang isang kaakit-akit na ngiti sa labi. Si Skye ay sandaling napamaang sa dalawa. Nang makabawi si Arthur sa kabiglaan ay ipinakilala siya rito.. "I didn't know the rumor were real." Walang malisya sa mata ni Ria nang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Curiousity was there instead. "By the way pinapasabi ng papa Arthur, the offer's still available kahit hindi kayo nagkatuluyan ni Regina."

