"O sino itong magandang dalaginding na kasama mo." Magiliw na salubong ng make-up artist na nadatnan nila ni Angela sa silid nito. "Ikaw talaga. Sister-in-law ko siya Hugo. Meet Skye, kuya Arthur's sweet and gorgeous wife ." Proud na sabi ni Angela at binalingan ng matamis na ngiti ang kasamang hipag. Skye smiled back before turning her gaze to the make-up artist na napasinghap at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Oh! I thought you are a sixteen years old girl. Hindi ko akalaing mahilig pala si Arthur sa bata." Eksaheradang bulalas nito na muntik ng ika-offend ni Skye. Napahagikgik si Angela. "I told you Skye. Lahat ng makaka-kita sayo'y aakalaing teenager ka lang. Pero bago ka lumabas ng silid na ito ay sisiguraduhin kong mawawala ang impression nilang iyon." Bumalin

