Hanggang sa makaalis ang byenan ay hindi nagtangkang mangulit si Arthur na labis na ikinapanatag ni Skye. Ang sa tuwinang nagigisnan nakayakap sa kanya ang asawa ay nagdadala ng kasiyahan sa puso niya. Kaya naman nang makabalik siya sa kanyang silid ay hinahanap-hanap niya ang halik na iginagawad ni Arthur sa noo tuwing umaga. At hindi niya mapigilang makaramdam ng pagka-hungkag dahil doon. Madalas ay napapatitig pa siya sa kawalan paggising niya sa umaga, sometimes even imagine her husband next to her. Tulad nang araw na yun. Kaya naman hindi natantya ng dalaga ang oras at nagmamadali siya sa pagpasok. Naabutan niya si Arthur na saktong paalis na rin. "Sumabay kana sa akin." Anito. Hindi niya napigilang pamulahan ng pisngi nang masilayan ito early in the morning, fresh from shower na

