64

854 Words

AKIRA'S POV Mabilis na lumipas ang isang linggo. Hindi ko na nagawa pang bumalik sa library dahil biglang naging mahigpit si Shin sa pagte-training ko. Lagi akong pagod at deretsong umuuwi na sa dorm kaya nawalan na ako ng oras na bumalik sa library. Sabado ngayon at gusto sana akong isama ni Inaki sa kaniyang mga kaibigan sa siyudad. Ngunit dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko ay tinanggihan ko siya. Mas gusto ko na munang gugulin ang buong weekend ko dito sa dorm. "Akira, aalis na ako. Sigurado ka bang hindi ka sasama sa akin?" seryosong sabi sa akin ni Inaki. Bahagya naman akong ngumiti. "Gustuhin ko man Inaki ngunit masyado akong pagod. Sa susunod na lang ako sasama sa 'yo." "Okay sige. Mag-iingat ka dito," sabi naman niya sa akin. Tumango naman ako. Lumabas na si Inaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD