AKIRA’S POV “Isang malaking issue ang nangyaring match ngayon.” Napalingon ako kay Inaki na nasa tabi ko. Seryoso siyang nakatingin sa gitna ng field habang papaalis doon sina Joe at Clarissa. “What do you mean?” ang tanging naitanong ko na lang sa kaniya. “Si Joe ang pinaniniwalaan ng lahat na pinakamahinang estudyante dito sa academy. Si Clarissa naman ang most popular girl at hindi maikakaila na malakas din. At inaasahan ng lahat na mananalo si Clarissa sa match na ito, ngunit kasalungat ang nangyari,” seryosong sagot naman sa akin ni Inaki. Nagkibit balikat naman ako. “So? Lahat tayo nag-iimprove, at malaki ang na-improve ni Joe kaya dinala siya nito sa pagkapanalo,” sabi ko naman. Marahang ngumiti si Inaki. “Bagay na sa tingin ko ay kailanma’y hindi maiintindihan ni Clarissa.”

