THIRD POV Simula pa kaninang umaga ay hindi na mapakali si Reyna Rachelle dahil sa nangyayaring First Level Exam sa academy. Hindi siya mapalagay sapagkat nag-aalala siya sa kaniyang anak na si Akira. Ito ang unang pagkakataon na hahayaan nila ang kanilang anak na magdesisyon para sa sarili nito kaya hindi niya maiwasan ang kabahan at matakot. “Mahal, hindi ka ba napapagod magpabalik-balik dyan? Kanina ka pa lakad ng lakad,” sabi naman sa kaniya ng kaniyang asawang si Haring Alejandro. Nagpakawala siya ng buntong hininga at saka marahang umupo sa tabi ng asawa. “Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala para kay Akira. Tama ba ang desisyon natin na hayaan siyang mag-decide?” punong puno ng pag-aalalang sagot naman niya. Marahan namang ngumiti ang hari. “Wala ka bang tiwala sa anak mo?”

