AKIRA'S POV
Akira, hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan mo pa ng matinding paghahanda.
Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa dibdib ko dahil sa paghabol ko sa aking hininga. Ramdam ko rin ang pawis na tumutulo mula sa noo ko.
Isa na namang wirdong panaginip. At hindi ko kilala ang babaeng kumakausap sa akin doon. Nakaputi siyang dress na animo'y isa siyang diwata. Maamo ang kaniyang mukha at panatag ang loob ko sa kaniya. Ang hindi ko maintindihan ay kung sino siya at bakit ganoon ang sinabi niya sa akin sa panaginip ko.
Napatingin ako sa orasan. Labing limang minuto na lang pala at mag-aalas dose na. Ibig sabihin ay birthday ko na. Usually, sa ganitong oras ay kasama ko na sina Mommy at Daddy dahil sabay sabay naming sasalubungin ang kaarawan ko. Ngunit ngayon ay wala sila at hindi ko alam kung makakauwi ba sila o hindi.
Tumayo na lamang ako sa bed ko at marahang sumilip sa bintana. Maliwanag ang papasikat na bilog na buwan kaya maliwanag din ang paligid. Napatitig pa ako sa buwan na bahagyang natatakpan ng mga ulap at saka ako nagpakawala ng buntong hininga.
Mukhang tanging ang buwan lang ang kasama ko sa pagsalubong ko sa birthday ko. Debut ko na rin pala ngunit hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya.
Habang nakatanaw sa maliwanag na buwan ay bigla akong nakaramdam ng matinding p*******t ng ulo ko. Kasabay noon ay ang pag-flash ng babaeng nakaputi sa isipan ko. Paulit ulit niyang sinasabi ang mga katagang hindi pa raw ito ang tamang panahon.
Napahawak na ako sa ulo ko dahil mas lalong nadadagdagan ang sakit nito. Gusto kong humingi ng tulong sa mga kasama ko dito sa bahay ngunit may pumipigil sa akin upang gawin iyon. Nakakapagtaka na sa pagkakataong ito ay nagdadalawang isip pa akong humingi ng tulong.
Halos mapaluhod na ko sa sahig dahil mas lalong tumitindi ang sakit ng ulo ko. Bumagsak na lang din basta ang katawam ko sa sahig habang patuloy na dinadama ng sakit na nararamdamam ko ngayon.
It's my day. But why I am like this?