"Sabrina's POV" Nandito ako ngayon sa room ko dito sa Archade's Valley. Dito na daw kasi ako tutuloy sabi ni Empress. Naipagpaalam na daw niya ako sa magulang ko. Hindi na ako magugulat kung paano niya nakilala ang mga magulang ko. Empress nga siya diba? Para din talaga siyang si Queen. Ganito din kasi yun e. Maalaga din yun at hindi niya pinababayaan ang mga nasasakupan niya. Kung may nagtatraydor man, yun ay dahil naiinggit sila. Ending, Bridewell din ang bagsak nila. Dalawang araw na ako dito at kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa couch dito sa room ko. Taray talaga! Ang sosyalin. Mamaya nga magswiswimming ako dun. Isang taon na pala ang nakakalipas magmula ng mawala si Queen. Sayang talaga! Okay lang, andiyan naman si Empress e! Dito na din nakatira ang tatlong gang warriors. An

