"Akiro's POV" Pigil ang hininga kong inabot ang folder na naglalaman ng result ng DNA test sa pagkakalibing kay Bridget. Nandito kaming apat sa bahay ngayon. Tinawagan ko sila at sinabi ang plano ko. Huli na para umangal pa sila dahil hawak ko na ang result. Kanina pa umalis ang taong inutusan ko nito. "Kapag positive ang result, titigilan mo na ang kahibangang yan." - Axel. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Teka nga! Alam mo, napansin ko lang ah! Bigla na lang nag iba ang tingin mo kay Bridget. Kaibigan pa rin natin yun." - inis na saad ni Rafael. Kahit si Lisa naiinis na din sa inaasta niya. "Hindi ninyo kasi ako naiintindihan e!" - naiinis na saad niya sabay hilamos sa mukha. "Edi ipaintindi mo." - Lisa. "You know what..... Nevermind! Hindi ninyo din naman ako maiintindihan e!"

