"Bridget's POV" "Grabe! Ang ganda talaga ng lupain ninyo dito sa Palawan." - namamanghang usal ni Agatha nang makarating kami sa Palawan. Dito kasi namin naisipang magbakasyon ng isang linggo. Dahil pagkatapos nang isang linggo, magsisimula na kaming maghanap ng trabaho. Agad namang nagreact ang kuya ko. "Tss." - ismid ni kuya Chard. "Ba't ganyan ka makareact? Nagseselos ka ba? Wag kang mag alala mahal, mas maganda ka pa rin." - kilig na may halong asar ni Agatha kay kuya. Bumulaslas naman sa pagtawa ang lahat na ikinainis ni kuya sabay walk out. "Uy, teka mahal!." - habol ni Agatha. Psh! "Grabe ang lakas ng tama nun sa kuya mo ah." - Lisa. Napailing na lang ako. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Akiro sa dalampasigan ngayon. Kaming dalawa lang. Gusto daw kasi niya akong masolo. "B

