"Vega's POV" "Babe, okay ka lang ba? Ang tahimik mo kasi e." - puna ko kay Ian dahil hindi siya nakikisabay sa mga kaibigan namin. Rinig ko pa dito ang ingay at tawanan nila. Kasalukuyan kaming nasa labas ngayon dahil nagpaiwan kami dito. Pumasok na kasi sa hotel ang mga kasama namin. "B-babe." - nagulat ako nang gumaralgal ang boses niya. "May problema ba?." - nag aalalang tanong ko saka siya nilapitan at niyakap. "S-si l-lolo." "Bakit? Anong nangyari kay Grandpa Luwi?." - kunot noong tanong ko. "Kasabwat pala talaga siya nung Astera na yun." - may galit at panghihinayang sa kanyang boses. Wala akong nagawa kundi ang yakapin lang siya at iparamdam na hindi siya nag iisa. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya dali dali niya itong kinuha. "DON'T YOU DARE!." Nagulat ako sa bigl

