➪007 MEERAH BRIELLA GUEVARRA Agad nakatulog ng malalim si Brent matapos namin maglaro sa kama. Hindi niya na narinig ang pagsabi ko sa kanya ng I love you. Nakahinga ako ng maluwag sa part na ‘yon. Kahit mahal ko pa siya, ayaw ko pa rin ipaalam sa kanya ang totoo kong damdamin. Marahan ko siya hiniga sa kama mula sa pagkakadapa sa ibabaw ko. Sinuotan ko siya ng underwear niya pero hindi ko na sinuotan ng damit dahil baka magising pa. Matapos ko linisin ko ang sarili ko, marahan akong lumabas ng kwarto. Mabilis lang ako nakalabas ng mansion ng walang nakakapansin maliban sa guards. Kahit madaling araw na kailangan ko pa rin pumunta sa mga tao na dapat kanina ko napuntahan. Magtatampo na naman sa akin ang mga ‘yon. Dahil wala naman akong pasok, doon na muna ako sa kanila mag-stay. Nag

