➪008 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Bhe, wag ka na kaya mag-day off? Nadadamay kami sa galit ng fafabels mo eh. Kulang na lang suntukin ako sa bawat kanto ng mukha ko.” Nangingilabot na sabi ni Yevin. May kasama pa na pag-ngiwi ang reaksyon niya. “Ano naman kinalaman ko diyan? Wala naman kami relasyon ng boss nyo. In fact, ang alam niya boyfriend kita.” Parang balewala kong sabi habang iniisa-isa tingnan ang records ng mga pasyente ko. “Huwat??? Bruha ka! Kaya naman pala ang sama-sama lagi ng tingin sa ‘kin ni Dr. Ferrer, nagseselos pala sa ‘kin! Oh my gosh! Grabe ang init, pinagpawisan singit ko!” Natawa ako sa maarteng pagpaypay ng kamay niya sa sarili na parang init na init talaga samantalang ang lakas naman ng aircon. “Bahala siya diyan. Hindi ko naman sinabi na boyfriend kita, tamang

