➪009 MEERAH BRIELLA GUEVARRA Naupo sa harap naming lamesa si Brent kasama ang ilang investors; mukhang dito din sila kakain ng lunch. Magkatapat kami kaya kitang-kita namin ang isa’t-isa. Madilim ang aura niyang nakatingin sa amin ni Yevin, at I just looked at him without emotion. “Hoy Meerah, tulo mo, lumalaway! Wagas ka naman makatitig sa fafa Brent mo. Sunggaban mo na kaya? Kunwari ka pa eh, mahal mo naman.” Nang-aasar na bulong sa akin ni Yevin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Brent habang bumubulong sa ‘kin si Yevin. Napangisi ako sa isip ko; naisip kong gamitin ang pagkakataon na ito. Bumulong din ako kay Yevin, “Akbayan mo ko. Bilisan mo.” Nagtataka man, ay sumunod na lang siya. Ako naman ngayon ang nagsubo sa kanya ng pagkain. “Sarap bhe ‘no? Parang ako lang.” Malandi kong s

