➪010 SPG ALERT!!! MEERAH BRIELLA GUEVARRA Nakasimangot akong pumasok sa opisina ng ex ko. Wala akong nadatnan na Brent pagpasok ko. Sinubukan ko buksan ang pinto para lumabas pero naka-locked na ito. Mautak din ang secretary niya, alam na tatakas ako kaya mabilis nakapag-lock ng pinto. Nakakainis lang dahil hindi ko pa pala dala ang cellphone ko. Iniwan ko kasi ito sa locker ko kanina bago kami lumabas ni Yevin, tangin coin purse lang ang dala ko. Tumingin-tingin ako sa paligid, nakita ko sa lamesa niya ang charts ng mga pasyente niya. Mukhang pinag-aaralan niya ang case ng mga ito. Brent is a General Surgeon, wala ako masyadong alam sa trabaho niya pero base sa pagka intindi ko dito sa chart, mayroong rare case ang isang pasyente niya na kung tawagin ay situs inversus with appendic

