➪011 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Pwede ba na hayaan mo na ako lumabas? Kailangan ko pa puntahan ang mga pasyente ko at kagaya mo, kailangan ko din mag-review sa case nila.” Pakiusap ko kahit alam ko naman ang isasagot niya. Nagbabakasakali lang ako. Gaya ng inaasahan, nakasalubong ang makapal niyang kilay at seryoso na tumingin sa akin. “Sinabihan ko na si Dr. Delfin, siya na ang bahala sa mga pasyente mo. Kung kailangan mo mag-review, ipapadala ko dito ang records ng pasyente mo.” Seryoso nitong saad. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa para tawagan ang secretary niya. Naiiling na lang ako, talagang ayaw akong pakawalan. Mali yata na dito ko pinangarap makapag trabaho dahil bantay sarado ako lagi. Kung alam ko lang na siya pala ang may-ari nitong hospital, lumayo sana ako dito pero huli n

