➪021 MEERAH BRIELLA GUEVARRA Ilang linggo bago ang nakatakdang araw ng panganganak ni Mrs. Alcantara via cesarean section, namatáy ang sanggol sa sinapupunan niya sanhi ng infection. Kinakailangan na magsagawa ng emergency c. s. sa pasyente. Agad ko itong ni-report sa seniors ko lalo na kay Doc. Delfin na siyang superior ko. “This is your chance to prove yourself to us, Meerah. Pinapaubaya ko na sa ‘yo ang paghandle sa case ng patient na ito.” Walang emosyon na saad ni Dr. Delfin. I want to take the opportunity pero alanganin ako ngayon. Mula pagkagising ko kaninang umaga, hindi na maganda ang pakiramdam ko. “Ahm, kaso dok, baka hindi ko po magawa ng maayos. Kanina pa kasi ako nahihilo. Pinilit ko lang talaga pumasok ngayong araw, hindi ko naman akalain na sasabak ako sa pag-opera.

