➪020 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “W-wala naman. Ireregalo ko lang s-sa inaanak ko. B-birthday kasi nila b-bukas.” Kinakabahan kong sagot. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan sa harap niya. Salubong ang kilay niya na nakatingin sa akin. Bumaba din ang tingin niya sa mga laruan at na nakalagay sa cart. “Ireregalo mo para sa inaanak mo ganyan ka dami?” Nagdududa niyang tanong. “Ah kasi k-kambal sila eh. Tsaka ngayon ko lang kasi sila m-mabigyan ng regalo.” Pagsisinungaling ko. Labis ang kabang nararamdaman ko sa paraan ng pagtitig ni Brent sa akin, halatang hindi siya naniniwala sa dahilan ko. “Okay. Samahan na kita sa pamimili mo at ihahatid kita pauwi.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso ang mukha niya at magkasalubong pa rin ang mga k

