➪036 BRENT ETHAN FERRER Sa patuloy na pag-imbestiga, na trace ng aming grupo kung saan matatagpuan ang mga anak ko. Na locate namin ito sa Lingayen, Pangasinan. Mula dito, nagsimula na kumilos ang mga tauhan ko ayon sa aming plano. Ako mismo ay sasama sa mga agents ko. Hindi ako mapalagay na maghihintay lang ako hanggang sa matapos. Si papa Kel at daddy Elliot ang naka assign sa pagdedesisyon at pagbibigay ng instructions kung sakali na mayroong lumihis sa plano o naiba ang sitwasyon. Nagsuot ang ng bullet proof jacket na nakatago sa suot kong damit at naghanda ng mga baril na tinago ko rin ang aking katawan. “Alam kong magaling ka na sa pakikipaglaban laban, anak pero mag ingat ka pa rin. Wag mo dagdagan ang bigat ng loob na nararamdaman ng asawa mo at ng mommy mo.” Seryosong payo n

