➪037 THIRD PERSON'S Point of view: Bago pa makapag paputôk ang mga kalaban, pumasok ang napakaraming tauhan ni Brent, triple ang dami ng mga ito kaysa sa mga tauhan ng mag-asawang Alcantara. Mabilis nila pinaputukan ang mga kalaban at karamihan ay natumba agad. Pinaubaya na ni Brent sa mga agents niya ang mga kalaban at siya naman ay prenteng naglakad paakyat sa hagdan kung nasaan ang dalawang matanda na dumukot sa mga anak niya. Matalim ang tingin niya sa mga ito. Kitang-kita niya kung paano binalot ng matinding takot ang mukha ng dalawa. Ngunit bago siya tuluyan makalapit, may humila sa kanya mula sa likod at sinapak siya nito pero mabilis niyang naiwasan. Pagharap niya ay sinipa niya sa sikmura ang malaking tao. Doble ang laki nito kumpara sa kanya. Hindi tuluyan nahulog ang lal

